Nagpasiya na ring pumasok si Miguel sa loob ng villa upang kumuha ng tubig. Pagkapasok ay naabutan niya ang mga kaibigan na nasa sala at nagkukwentuhan. Dumiretso siya sa kusina at uminom ng tubig. Ngunit naririnig niya ang usapan ng mga ito.
"Scarlet, tell us naman kung paano ka napunta sa pagiging model eh, dati 'di ba napaka mahiyain mo?" tanong dito ni Roxan.
"Actually, guys hindi ko talaga siya plinano. Not even in my wildest dream na mapunta ako sa modeling. Maybe it's my destiny," tugon naman ni Scarlet.
"So, tell us nga para ma-inspire naman kami," sabi ni Tala.
"Pagdating ko sa Canada, pinasok ako ni Mama sa isang cosmetic company. Doon kasi nagwo-work yung sister in-law niya. Napunta ako sa marketing department dahil sa natapos at work experience ko rito. Actually, parang utusan nga lang ako roon eh. Simply because I was new. Tawag nga ng ibang Pinoy sa akin Miss Taga. Tagabili ng kape, tagatapon ng basura, tagadala ng documents sa ibang department, etcetera. Inayos ko na lang ng mabuti 'yung work ko dahil wala naman akong choice. Mas gusto ko rin kasing matuto sa cosmetics kasi plan ko kapag nakapag-ipon eh, magpapatayo ako ng sarili kong business." Kwento niya at biglang bumalik sa kaniyang alaala ang nangyari noon.
"What? The model is cannot be reach? Do you know what time is it?" sunud-sunod na tanong ni Miss Olivia ang head nila sa Marketing Department. "How can we start the event if we don't have a model? Find someone who can replace her. Hurry!" nanggagalaiti pang sigaw nito sa galit.
Mayroon kasi silang launching event ng bago nilang make-up line. Halos completo na ang mga press pati na rin ang mga kilalang make-up artists at mga influencers na binigyan nila ng invitations. Sila kasi ang magko-cover sa launching event ng kompaniya.
Habang sumisermon ang kaniyang boss ay siya namang pagpasok ni Scarlet dala-dala ang kape na iniutos sa kaniya ng mga kasamahan na bilhin.
"You!" biglang turo sa kaniya ng Manager. "Come here!" dagdag pa nito.
"Y-yees Ma'am?" nauutal pa niyang wika habang lumalapit dito.
Alam niya kasi kung paano ito magalit. Sa anim na buwan na niya sa kompaniya ay hindi na mabilang kung ilang beses na siyang nasigawan nito.
"Prepare yourself and you will replace the model," wika nito na tila kalmado na ang boses. Tinawag nito ang assistant na si Miss Emma.
"Emma, look at her. She can be a good replacement, right?" tanong ni Miss Olivia.
Tiningnan siya ni Miss Emma, ang kanilang assistant manager at siyang in-charge sa model na hindi sumipot. Mabait ito sa kaniya at ito nga ang kinikilala niyang mentor sa trabaho.
"She's perfect!" bulalas nito na tila nabunutan ng tinik sa dibdib. "You saved me Scarlet. Thank you!" pabulong pang sabi nito sa kaniya.
"Bring her to Miss Ava and introduce her," sabi rito ni Miss Olivia.
"Yes, Ma'am!" nakangiting sagot ni Miss Emma at hinila na ang kaniyang mga kamay patungong dressing room.
"Just be yourself, Scarlet! Don't be nervous, okay?" bilin nito sa kaniya bago sila tuluyang pumasok sa dressing room.
Tumango na lamang siya dahil walang salita ang gustong lumabas sa kaniyang bibig. Marahil ay dahil sa nabigla siya sa mga pangyayari.
Ipinakilala siya kay Miss Ava Snow, ang sikat na make-up artist ng mga Hollywood celebrities maging sa print at commercial models.
"OMG! Si Miss Ava Snow pala ang secret make-up artist na usap-usapan sa office. Napaka ganda niya!" aniya sa kaniyang isipan.
Ganoon na lamang ang kaniyang pagkamangha at pagkagulat nang nasa harapan na siya nito. Nakikita niya lang kasi ito sa mga magazines na palagi niyang binabasa. Wala siyang kahilig-hilig sa make-up noon. Powder at lipstick lang ay okay na sa kaniya. Ngunit dahil sa kaniyang trabaho ay kailangan niyang matuto na gumamit nito.
"So, she's the model?" tanong nito kay Miss Emma.
"Yes, Miss Ava," sagot nito sabay tingin sa kaniya.
Lumapit sa kaniya si Miss Ava at hinawakan ang kaniyang maliit na mukha. Sinipat-sipat niya ito. Sa tingin niya ay tinitingnan nito ang bawat sulok ng kaniyang mukha.
"You have a fair skin, nice facial features. You don't even have a pores," wika nito na tila namamangha sa kaniyang nakikita. "But, you're not a pro, right? tanong nito sa kaniya.
"Ah, eh," tanging nasabi niya.
"Actually, she's one of our staff," biglang paliwanag ni Miss Emma nang mapansin na tila kabado siya. "The model for this event wasn't able to come so we need to replaced her," patuloy nito.
"Don't worry, it's not a problem. She's might not be a pro but, I will turn her into one," nakangiting pahayag ni Miss Ava habang nakatitig sa kaniya.
"Thank you, Miss Ava!" sabi rito ni Miss Emma.
Pagkatapos ay tinawag na nito ang wardrobe team para mabihisan na siya. Nilinis naman ng assistant ni Miss Ava ang kaniyang mukha at nilagyan na ng make-up primer nang maisuot na niya ang isang spagetti strap na long gown. Mayroon itong mahabang slit na siyang nagpalutang sa kaniyang mahabang legs. Mabuti na lang at 5'7" ang kaniyang height na siyang namana niya sa amang Amerikano.
"Is this me?" hindi makapaniwalang tanong niya sa kaniyang sarili habang nakatingin sa salamin pagkatapos siyang malagyan ng make-up.
"Yes, Darling! It's you! Look at you now. You're such a beautiful girl. You have the face, body and poise which a world must watch out for," nakangiting pahayag nito sa kaniya.
"Thank you, Miss Ava! I can't even recognize myself," aniya rito.
"My pleasure! May I know your name?" malambing na tanong nito sa kaniya.
"I'm Scarlet de Vera," nakangiti niyang sagot dito.
"Such a lovely name! Let's talk later after the event, okay?" sabi nito sa kaniya.
"Yes, Miss Ava!"
Naging successful ang event na iyon. Lahat ng naroon ay manghang-mangha sa galing ni Miss Ava. Ilang beses pinalitan ang kaniyang make-up depende sa kung anong event kunwari ang kaniyang pupuntahan. Halos lahat ng press ay nagkaka-interest din na malaman kung sino siya. Bago pa man umalis ang sikat na si Miss Ava Snow ay muli siya nitong nilapitan.
"Congratulations, Scarlet! You did a great job," sabi nito sabay yakap sa kaniya.
"It's my honor and pleasure to work with you, Miss Ava," nakangiti niyang tugon rito.
"I think I've discovered a precious gem today," sabi pa nito habang hawak ang kaniyang dalawang kamay.
Hindi siya makapaniwala sa mga narinig na papuri sa kaniya. Pakiramdam niya ay nananaginip siya ng araw na iyon.
"Can I have your number?" tanong nito sa kaniya.
"Sure!" maiksing tugon niya sabay kuha ng calling card na nasa kaniyang wallet.
"I'll keep this and I'll call you, okay?" wika pa nito bago umalis.
Ang hindi niya inaasahan ay ito na ang simula ng bago niyang karera.
Pagkalipas lang kasi ng isang buwan ay tinawagan nga siya nito.
"Hello, Scarlet? How are you?" tanong ng nasa kabilang linya ng sagutin niya ang isang tawag sa kaniyang cellphone.
"Who is this?" tanong niya.
"This is Miss Ava Snow. I told you that I'm going to give you a call, remember?" wika nito at naririnig pa niya na tumawa pa ito ng mahina.
"Yes, Miss Ava! I'm fine and I can still remember you," nakangiti niyang tugon rito.
"Well, I have a good news for you. My world tour is about to begin and I want to include you as one of my models," sabi nito sa kaniya.
"Really? I don't know what to say. But thank you so much! I'm so speechless right now," aniya na kulang na lang ay tumalon sa sobrang tuwa.
Tinakpan niya ang kaniyang bibig dahil gusto niyang humiyaw. Tinitingnan na siya ng kaniyang mga kasamahan sa trabaho.
"We'll meet in New York next month, okay?" ani Miss Ava at nagpaalam na ito sa kaniya.
"Hey! Why are you so happy?" tanong sa kaniya ni Miss Emma nang ibaba na niya ang kaniyang cellphone.
"Miss Ava called and she wanted to take me on her world tour. I can't say no to this, Miss Emma," sabi niya rito na hindi pa rin makapaniwala sa mga pangyayari.
"Really? Oh my gosh! I'm so happy and excited for you, Scarlet!" tila kinikilig namang sabi ni Miss Emma at niyakap siya nito ng mahigpit.
"I owe you this, Miss Emma. I will never forget the things you helped me," madamdaming pahayag niya rito.
"You should be thankful to Miss Olivia and to that model," natatawang pahayag nito.
"Yes, thank you to them!" aniya rito.
Isinama siya ni Miss Ava sa kaniyang mga shows. Halos naikot na ni Scarlet ang buong America sa loob lang ng tatlong buwan. Maging sa ilang bansa sa Europe at Asya ay nakarating din siya.
Nagsimula siya bilang model sa mga pagtatanghal nito. Hanggang sa ipinakilala na siya sa may-ari ng modeling agency niya ngayon, kay Mr. Lewis. Naging mabilis ang pag-angat niya. Halos wala na nga siyang pahinga sa loob ng limang taon. Kaya hindi na siya nagkaroon ng pagkakataong makabalik ng bansa hanggang sa makuha siyang endorser ng Trends.
"Wow! Amazing!" bulalas nang kaniyang mga kaibigan at napatayo pa ang mga ito pagkatapos niyang ikuwento ang kaniyang karanasan at tagumpay.
"Now I know kung bakit bigla kaming nawalan ng communications sa iyo," sabi ni Roxan.
"Actually, halos 'di ko na nga mahawakan ang telepono ko noon. Si Erin na ang laging may hawak at sumasagot sa mga tawag. " paliwanag pa niya.
Eh, 'di ang yaman mo na?" seryosong tanong ni Grace.
"Ha? Hindi ko alam, eh. Siguro," pa-inosente pa niyang sagot.
"Don't worry girl, hindi kami hihingi sa' yo. Pero, baka naman," pabiro namang sabi ni Roxan.
"Next time, sagot ko. Just call me if kailan kayo uli available basta nandito pa ako sa Pilipinas," aniya sa mga ito.
"Oh, sinong nagsabing kuripot si Scarlet? Sa isang five star hotel niya tayo ililibre, 'di ba, girl?" wika naman ni Grace.
"Sure, girl! Just name the place," natatawang tugon niya rito.
"Na-excite tuloy ako. Palawan or Boracay na lang kaya?" muling tanong ni Grace.
"I love beaches, alam mo 'yan," sabi pa niya.
"Let's set for our next bonding," wika naman ni Paolo. "Rox, ikaw na bahala, ha? Hindi makapag hindi kapag ikaw nagyaya, eh."
"Sure, Pao! Let's set the date, soon!" tugon dito ni Roxan.
"We're so happy for you friend," wika naman ni Tala.
"Group hug for Scarlet," pahayag naman ni Grace.
At nagsipagyakap na ang magkakaibigan. Napansin nila na nasa bandang kusina lang si Miguel at nakatingin sa kanila.
"Miguel, join us. Group hug for Scarlet," tawag sa kaniya ni Paolo.
Lumapit naman ang binata at nakisali rin sa mga ito. Habang nagtatawanan sila ay naroon pa rin ang hinanakit ng binata sa dating kasintahan.
"Magpakasaya ka lang Scarlet. Dahil sa susunod ay papalitan ko ng mga luha ang kaligayahang nadarama mo ngayon," usal nito sa sarili habang nakikitawa rin sa mga kaibigan.
Walang kamalay-malay si Scarlet sa galit na nararamdaman ni Miguel para sa kaniya. Ang alam niya ay tuluyan na siyang napatawad nito.
"Gusto niyo bang mag snorkeling mamayang sunset? Maganda roon malapit sa may bandang gitna. Medyo mababaw at kitang-kita ang mga corals. Marami ring isda roon. Pwede tayong magdala ng tinapay para ipakain sa mga isda," wika ni Greg sa kanila.
"Sige, tara!" tugon naman nila.
"Maraming gear sa loob kaya don't worry guys. Ready ang resort na ito sa mga water activities na gusto niyo," sabi pa nito.
Muli silang nagbihis ng swimming attire. Nag one-piece bikini na kulay itim si Scarlet na lalong nagpalutang sa kaniyang maputing balat.
"Nakaka-insecure na talagang tumabi sa'yo, Scarlet. Parang ayoko ng kumain ng mga isang linggo," sabi ni Tala sa kaniya.
"Ano? Isang linggo? Baka isang oras lang eh, gutom ka na naman," asar dito ni Paolo.
"Ito naman! Pagbigyan mo na kasi ako. Para namang hindi kita friend ah," sabi rito ni Tala saka kunwari iniirapan ito.
"O siya, para tumigil ka na. Dumikit ka lang kay Scarlet para mas lalong ma-emphasize kung gaano ka kalaki," sabi nito sabay tawa.
"Sira!" sigaw rito ni Tala.
"Pikon?" tuloy pa rin sa panunukso ni Paolo.
"Ikaw nga oh, mukhang alalay lang ni Miguel. Walang-wala ka sa mga muscles niya," balik pang-aasar dito ni Tala.
"Tama na 'yan at baka magkakapikunan pa kayo," saway rito ni Miguel.
Tumigil na sa pag-aasaran ang dalawa. Masaya silang nag-snorkeling sa dagat. Para silang mga bata na nakikipaglaro sa mga isda.