ANG UNANG PAG-KIKITA
Elise's POV
morning
"kailangan ko na makapag hanap ng trabaho dahil sa dami ng utang ng aking pamilya hindi ko alam kung kaya ko pa makapag aral siguro kailangan ko muna ihinto" aniya niya
"ma, pa pwede ko po ba kayong makausap?may sasabihin lang po ako." aniya niya sa kanyang ina na abala sa gawaing bahay at ang kanyang ama naman abala sa labas ng kanilang bahay dahil sa tinatapalan niya butas ng kanilang dingding...
"ma.....pa..ah eh....gusto ko lang po sabihin na...uhmm..ano po kase..ma,pa pwede po ba muna ako tumigil mag aral upang matulungan ko naman po muna kayo sa mga babayarin alam ko po kase nahihirapan na kayo at gusto ko po muna sana kayo matulungan bago ulit ako makapag aral ulit" aniya sa kanyang mga magulang ngunit tumutol ang mga magulang niya tungkol sa plano niyang gawin.
"ano ka ba Elise?? nasisiraan ka na ba ng ulo?alam mo pag aaral lang ang pwede namin ma ipamana sayo?kaya naman namin mag trabaho para kahit papaano mabawas bawasan mga utang natin sa ibang tao ng hindi mo kinakailangan tumigil sa pag aaral" sagot ng kanyang ina
"UMAYOS KA ELISE HA!!!" galit na sigaw ng kanyang ama na nang gagaling sa labas ng kanilang bahay dahil dinig na dinig niya ito nag sasalita dahil sa dingding lang ang kanilang pader.
"eh ma, pa naawa na ako sa inyo ang dami na mga tao pumupunta dito at sinisingil na tayo, wala na ding nag papautang sa atin" sagot niya sa kanyang ina.
"sige tumigil ka pero sa isang kondisyon" sagot ng kanya ina
"ano po yun mama?" tanung ni Elise sa kanyang ina
"isang taon ka lang titigil sa pag aaral, mangako ka Elise" ani ng kanyang ina
"tama ang mama mo Elise" sagot ng kanyang ama muna sa labas
"ah eh sige po mama" sagot niya sa kondisyon ng kanyang ina.
"mabuti at nag kakaintindihan tayo anak, wala kaming ibang gusto ng iyong ama kundi makapag tapos ka sa pag aaral kahit sobrang hirap ng buhay natin....maiahon lang pag aaral mo lalo't iisa ka lang namin na anak.....ikaw lang mag papatunay sa mga tao umaapi sa atin na kaya namin maiahon ka sa hirap" ani ng kanya ama
Author's POV
Noon hindi pa sila dumadaan sa hirap dahil may magandang trabaho noon ang kanyang ama sa isang bansa ngunit dumating panahon na nakulong ang kanyang ama sa maling paratang sa kanya ng ka trabaho dahil ang sa inggit nito sa kanyang position sa trabaho. Dahil sa pangyayari na ito naging dahilan ne'to naubos ang kanilang ipon sa bangko at nawala ang kanilang nag iisang tindahan ng mga imported na bag, at nag transfer na din si Elise sa ibang school dahil hindi na mabayaran ang kanyang tuition sa private school meron pa itong balanse sa private school na nag kakahalagang 150,000 ngunit nangako kanyang ina na babayaran ito kaya pumayag ang school na mailipat siya, nawalan din sila ng bahay dahil kinailangan itong ibenta dahil sa babayarang mga pinsala upang tuluyan na maka labas.
afternoon
nag hahanap na si Elise ng trabaho, at sa pag lalakad niya nakita niya isang malaking mansion na nag hahanap ng kasambahay.
"wait, finally sa kakalakad ko nakita din ako na pwede kung applayan ng trabaho" sabi niya sa kanyang sarili
nag door bell
nag door bell siya at pinagbuksan siya ng isang kasambahay din ngunit masama ang tingin nito sa kanya.
"sino po sila?anong kailangan po nila?" magalang nitong sagot na may pag ka ismid na mukha.
"tatanung ko lang po kung available pa po itong poster naka lagay sa gate niyo" sagot ni Elise
"malamang kaya nga nakalagay diyan sa labas diba" sagot niya ng balang kay Elise
"patawad po hehe" sagot nito na medyo nahihiya dahil napag tanto niya may point yung kasambahay
"mag a-apply kaba?" tanung ng kasambahay
"opo, sana" sagot naman ni Elise
"may dala ka ba mga requirements, kung meron pumasok kana at tatawagin ko na lang si ma'am" ani nito sa kanya.
"sige po" sagot ni Elise
nakapasok na sila at tinawag naman ng kasambahay ang kanyang amo.
knock...knock...knock...."sino yan?" tanung ng kanyang amo
"ma'am may nag hahanap po sainyo sa baba, nag a-apply po" sagot ne'to
"sige paupoin mo muna at pababa na ako nag aayos lang ako" ani niya
"sige po ma'am" sagot ng kasambahay
nakababa na ang kasambahay at pababa na din yung magiging amo nila
after 5 minutes
"oh, maganda tanghali sayo iha, nag a-apply ka raw? bati at tanung ng ina ni Andrie
"maganda tanghali din po ma'am, ah eh opo sana kailangan na kailangan ko lang po sana ng trabaho ngayon" sagot ni Elise
"pero iha parang ang bata mo pa at ang ganda ganda mo na para kang hindi sanay sa gawaing bahay" usisa nito kay Elise
nag kwento na si Elise....
fast-forward
"sige iha, grabe naman pala pinag daanan niyo may dala ka bang requirements" tanung nito sa kanya
"opo ma'am meron po, pasensya na po kung nakapag kwento na po ako tungkol sa aking buhay kailangan na kailangan ko lang po itong trabaho" ani ni Elise
"sige iha, tinatanggap na kita sa trabaho pwede kana mag simula pero may kondisyon ako una stay in ka dito sa bahay, pangalawa dapat wala kang arte kase sa itsura mo iha parang hindi ka sanay mag trabaho, at lastly ito pinaka bawal sa lahat na dapat sunduin mo HUWAG NA HUWAG KA MAG KAKAROON NG RELASYON DITO SA AKING PAMAMAHAY LALONG LALO NA SA AKING MGA ANAK NA LALAKI nag kakaintindihan ba tayo iha dahil kung hindi at nalaman ko sinuway mo utos ko pasensyahan tayo iha" sagot nito na may pag babanta na
"opo ma'am at tsaka po malabo po magkaroon po ako ng relasyon dahil ang pinaka priority ko po makapag trabaho at matulungan ang aking mga magulang sa mga gastusin" sagot ni Elise
"mabuti kung ganun at nag kakaintindihan tayo....o siya sige na iha pwede kana umuwi at bukas ka pwede mag simula mag trabaho" aniya kay Elise
"maraming salamat po ma'am " sagot ni Elise
naka alis na at nag bya-byahe na siya pauwi dahil malayo pa ang kanyang uuwian na bahay at masayang masaya si Elise na makakatulong na siya sa mga magulang niya at masaya siya ibalita kaagad itong maganda niyang balita.
to be continued.....