Umaga pa lang naghahanap na ako ng masusuot para sa okasyon na pupuntahan namin ni Heron. Napili ko ang isang bestidang kulay puti at isang sandal na binili pa ni Herondale sa akin. Binigay niya sa akin kagabi noong makauwi na kami. Ang ganda nga e, may magagandang perlas sa gilid at mga burluloy na desinyo. Iyon daw ang ipapasuot niya sa akin sa pagpunta sa Mansion ng mga Don Alfonso. Nang oras na para umalis kami. Agad akong nag-ayos sa sarili. Nang matapos sa pagpupulbo. Lumabas ako ng kwarto para makita niya ang suot kong bestida at sandal na binili niya. Saktong-sakto iyon sa paa ko. Tinali ko lang ang lahat ng buhok ko saka nilagyan ng hairpin para hindi mabuhaghag. "Okay na ba ang suot ko?" tanong ko pa. Umikot ako sa kanyang harapan. Nakita ko sa mga mata niya ang paghanga nang

