Author's Note: Mag-eextend ang story nina Roshana at Herondale hanggang next month. I am sure na matatapos ko na ito next month. As you can see, mahaba-haba pa ang lalakbayin ng kuwento bago natin maabot ang kasukdulan. Maraming salamat sa paghihintay ng update. ------ CHAPTER 54 ROSHANA DAZZLE MOONZARTE'S POV Sa tipon namin sa iisang lamesa. Naghihiyawan ang lahat at nag-asaran. May sumasali sa lamesa namin na katrabahador ni Heron. Si Toyang, Mark, Angelo at ang dalawa pa. Sila ang nagdadala ng ingay sa buong pagtipon-tipon namin sa iisang lamesa. Mabuti na lang marunong makisabay si Mary Joy at Nestor sa kalokohan kaya sa aming lamesa, kami ang mas maingay sa lahat ng panauhin ni Don Alfonso. "Rosh, umiinom ka?" tanong ni Mary Joy sabay abot sa akin ng isang nakakalasing na inumi

