"Ang ganda naman ng asawa mo Heron. Sa bata niyong edad nagsasama na kayo. Kailan niyo ba balak magpakasal?Teka kasal na ba kayo?" saad ni Don Alfonso nang pinakilala niya ako sa lahat pagkarating namin sa lamesa. Nasa harapan namin ni Herondale ang apat niyang anak. "Good evening po. Hindi pa po kami kasal. Nagsasama lang po muna. Ako nga pala si Roshana." Kinamayan ako ni Don Alfonso. Pati na sa mga anak niyang mga lalaki na malaki ang ngiti sa akin. Hinila agad ako ni Heron palayo sa mga anak na lalaki ni sir Henry nang makipag-kamay ako sa pangatlo niyang anak na si Alejandro. Hindi na rin ako nagkaroon ng pagkakatong makipag-shake-hand kay Hanney at kay Angelica. Mukhang wala rin naman silang balak na pansinin ako kaya mabuti na ring pina-upo ako ni Heron sa katabi niyang upuan. "D

