Naupo siya sa bakanteng silya at pinanuod ang binata. Mayamaya ay isinalin na nito ang niluluto at naghanda ng mga pinggang gagamitin. Nakailang pilig pa siya ng ulo. Baka hindi totoo ang mga nakikita niya. Baka ang imaginary Eli na naman niya ang nasa harap. "Is that really you, Eli?" wala sa huwisyong tanong niya sa binata at nakapangalumbaba pa. Natigilan ito saglit sa paglalagay ng kutsara at nagpakawala ng mahinang tawa. "Yeah," nakangising sabi nito. Humarap ito sa kanya ng maayos. Pinatong nito ang mga kamay sa mesa at pinatigas ang braso pagkuway yumuko ito. Inilapit nito ang mukha sa kanya at hinalikan siya ng mabilis sa labi. Natigilan siya sa sandali. Totoo nga. Napakurap pa siya. Malapit pa rin ang mukha nito sa kanya. "One more, my El,." aniyang nakapout pa. N

