Pakatapos ng kasal ni Jessa at Ramil ay napagpasyahan nilang umuwi na kaagad. Sumama kasi ang pakiramdam niya. Late na kasi sila ni Eli natulog kagabi kakalaro ng baraha. Yun ang unang beses na nagbonding sil ng matagal. Alas-dos na ng madaling araw sila natapos. Kaya naman antok na antok siya nung umattend ng kasal ng kaibigan. Kung hindi lang niya kaibigan ang ikakasal baka kanina pa siya umuwi. Hinayaan lang siya matulog ni Eli matulog pagdating. Alas-siete na din siya nagising. Pagkakain ay natulog ulit siya sa sobrang puyat at pagod. Kinabukasan ay maaga siyang nag-ayos ng gamit dahil baka ano mang oras ay uuwi na sila. "What are you doing, baby?" Napalingon siya ng magsalita si Eli mula sa pintuan. Pagkuway lumapit ito sa kanya. "Nag-aayos. Anong oras ba tayo aalis pauwi?"

