Sabado noon. Kaka-uwi niya lang sa kanilang mansion. Namiss daw siya ng kanyang mommy kaya umuwi naman siya. As usual, kinukulit na naman siya ng ina kung kailan siya mag-aasawa. The mere fact na 23 pa lang siya. Nabalitaan na nito na nagkakaigihan na sila ni Elise. Papasok siya ng komedor nila ng makita ang Mommy niya at ang mayordoma nila na si 'Nay Mely na masayang nag-uusap. Nacurious siya sa pinag-uusapan ng dalawa tungkol sa anak na bunso ng mayordoma. Nagandahan ang ina sa dalagita ng ipakita dito ng mayordoma ang picture ng anak. Bagay na ipinagtaka niya. Bihira lang mamutawi sa bibig ng ina ang papuri. Nagkunwaring kumuha siya ng kutsara na nasa likod ng mga ito. Sinilip niya ang hawak ng ina na litrato. Napa-oh siya ng makita ang isang dalagita na nakasakay sa swing. Nakaso

