Mahigit sampung minuto na siyang nakatayo. Pero wala pa rin si Maia. Naiinip na siya. Kung anu-ano na ang naiisip niya. Paano kung umatras ito? Napayuko siya sa mga legs niyang nanginginig. “F*ck!” napamura pa siya nang muntik ng bumigay ang tuhod niya. Napatingin siya kay Rocky na palapit. Naaasar siya sa mukha nitong natatawa. Hindi niya alam kung nakita ba siya nitong muntik ng matumba. May inabot ito sa kanya na maliit na bote na ipinagtaka niya. “What’s that?” takang tanong niya. “White flower.” nakangising sabi nito. “Anong gagawin ko dyan?” inis na tanong niya habang inaayos ang pagkakatayo. “Sabi mo kasi kanina baka himatayin ka. So, I brought you white flower,” pang-asar na sabi nito, “And pre, ayusin mo sarili mo, para kang nababakla sa mga ikinikilos mo ngayon, kung alam

