-=Naya's Point of View=- Maaga akong nagising ng umagang iyon, masyado kasi akong excited na muling makita si Hadley sa school ngayong araw. Aminin ko, medyo kinakabahan pa din ako sa muli nitong pagpasok, pero for sure ay hindi naman ito pababayaan ng iba pa naming mga kaibigan at siyempre ako na nangakong hinding-hindi ito iiwan. "Good morning Princess." bati sa akin ni Mommy nang dumiretso ako sa kitchen. "Good morning." nakangiting bati ko din sa kanya. "Ang aga mo naman ata, hindi pa ako tapos magluto ng almusal natin." sinabi nito. Kahit kasi may mga kasambahay naman kami ay mas gusto ni Mommy na siya ang magluto para sa amin ni Daddy, ayon kasi sa kanya sa pagluluto man lang niya para sa amin ay naipapakita niya ang pagmamahal niya para sa amin ni Daddy. "May kailangan po kas

