-=Naya's Point of View=- Hindi ko matagalan ang tingin nito sa akin, kaya naman minabuti kong iiwas ang tingin ko dito, balak ko naman talagang ipaalam kay Mommy ang tungkol sa amin ni Hadley, pero hindi sa ganitong paraan. Wala ni isa sa amin ni Mommy ang magawang magsalita, pareho kasi kaming shock nang mga oras na iyon, ako dahil hindi ko inaasahan na mahuhuli ako nitong kahalikan si Hadley at ito naman na makita ang anak na ang kahalikan ay kapwa nito babae. "I can explain po..." Minabuti na ni Hadley na basagin ang katahimikan sa pagitan naming tatlo, ngunit bago pa man matapos ang sasabihin nito ay agad nang nagsalita si Mommy. "Let's go Naya!" utos ni Mommy. Hindi na nito hinintay ang sagot ko at basta na lang itong naglakad palayo, wala naman akong nagawa kung hindi sumunod

