-=Naya's Point of View=- Alas ocho na ng umaga ng magising muli ako, hindi ko namang maiwasan nang magisnan ko si Hadley na masuyong nakatingin sa akin. "Good morning." nakangiting bati ko dito. Hindi ko alam kung kanina pa ba ito nagising at kung kanina pa din ako nito pinagmamasdan habang nahihimbing ako sa pagtulog. "Good morning din." nakangiti ding sagot nito. Hindi na ako umiwas nang makita kong hahalikan ako nito, at agad kong naramdaman ang kakaibang kilabot sa kaibuturan ko nang muling maglapat ang aming mga labi. Ilang minuto din ang halik na pinagsaluhan namin, natapos lang iyon nang makarinig kami ng sunod-sunod na katok mula sa mga kaibigan namin. Kaya naman agad kaming naligo at nag-ayos, at nang matapos ay agad na din kaming dumiretso sa restaurant sa resort para mag-

