-=Naya's Point of View=- "Ma'am Naya, ok lang po ba kayo?" narinig kong tanong ni Kuya Arthur. Bigla naman akong napatingin dito nang marinig ko ang tanong nito, kasalukuyan kasi kaming nasa biyahe papasok sa school ko. "Ok lang po ako." sagot ko dito. Ngumiti pa ako dito nang makita kong nakatingin ito sa akin mula sa salamin sa taas ng kotse, ngunit agad din iyong nabura sa mga labi ko nang bumalik ang tingin nito sa kalsada. Isang malalim na paghinga ang ginawa ko para pakalmahin ang kaba sa dibdib ko, magmula pa lang kasi kaninang magising ako ay sobra nang bilis ng pagkabog ng dibdib ko. Last Friday kasi ay pinaalam na ni Hadley sa ibang tao ang tungkol sa relasyon naming dalawa, ginawa ito ni Hadley para wala nang makapag-blackmail sa amin katulad nang ginawa ni Dash sa akin.

