-=Naya's Point of View=- Mas lalong tumindi ang panawagan na mapatanggal si Hadley, at kahit sinabi nitong huwag akong mag-alala ay hindi ko kinayang gawin iyon. Naiinis ako sa sarili ko, dahil wala man lang akong magawa para sa kanya, samantalang ilang beses ako nitong niligtas sa madaming pagkakataon. Katulad ng nakaraang araw ay hindi muna pumasok si Hadley, patuloy pa din naman ang communication namin through our cellphone, pero sobrang miss ko na siyang makasama sa school. Katulad nang paalala nito sa akin ay hindi ako humihiwalay sa mga kaibigan namin, kagaya ko ay labis din ang pag-aalala nila kay Hadley. "We need to do something!" naiinis na sinabi ni Aziel, habang nakasabunot sa buhok nito. "I know that, pero anong magagawa natin?" frustrated na tanong naman ni Kendra dito.

