CHAPTER 45: Pagtakas

3128 Words

-=Naya's Point of View=- Labis na takot ang naramdaman ko nang sa wakas ay magising na ako, mas lalo akong natakot nang wala akong mabanaag kung hindi ang nakakatakot na kadiliman sa lugar kung saan ako dinala ng mga dumukot sa akin. Mabilis na nagbalik sa alaala ko ang nangyari, kung saan nalaman ko na si Hadley pala ang babaeng niligtas ko, at ang babae tumalikod, at nang-iwan sa akin noong nahuli ako ng mga taong gustong kumidnap dito. Sa totoo lang ay wala naman talaga akong dapat na ikagalit dito, dahil unang-una ay alam kong natakot lang din ito kaya hindi nito nagawang tulungan ako. Masyado lang kasi akong nagpakabayani na tulungan ito ng kusang loob, at wala akong karapatan na sumbatan ito, at kung sakaling mangyari nga ang bagay na iyon sa akin uli ay hindi ko gugustuhin na ma

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD