CHAPTER 44: My Hero

3571 Words

-=Hadley's Point of View=- Bigla akong nablangko habang nakatingin lang sa papalayong si Naya, hindi ko akalain na maalala pala nito ang nangyari noon. Nang araw na na-kidnap ito, nang araw na ako ang dapat na na-kidnap, at hindi siya. Buong buhay ko ay naging sunud-sunuran ako kay Daddy magmula ng bata ako, hanggang makatuntong Hindi dapat ito ang maki-kidnap ng araw na iyon, ako ang talagang target ng mga taong iyon, ang buong akala ko nga ay magtatagumpay na silang maisakay ako sa itim na van, ngunit laking gulat ko nang may mabilis na bumangga sa mga lalaking nakahawak sa akin. At nangyari ito dahil sa pagtakas ko sa mga bodyguards na inupahan ni Daddy para bantayan ako, magmula kasi pagkabata ko ay lagi ko na lang na sinusunod si Daddy, hanggang sa dumating ang pagkakataon na hin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD