-=Naya's Point of View=- Hindi ko na namalayan kung paano natapos ang pag-uusap naming iyon ni Ysmael, gulong-gulo pa din kasi ang isip ko nang maalala ko ang nangyari bago ako maisakay sa naturang van. Biglang nagbalik sa akin ang lahat ng araw na iyon. "Sigurado ka bang hindi ka sasama sa amin Naya?" narinig kong tanong ng boyfriend ko na si Daryll. Maaga kasi kaming pinalabas ng araw na iyon, dahil nga nagkaroon ng emergency meeting ang school faculty, kaya naman nagkayayaan ang iba naming mga kaklase kasama na si Daryll na mag-mall. Wala ako sa mood na mamasyal kaya tumanggi ako sa mga ito, kahit na nga ba anong pilit ng mga kaibigan ko ay hindi nila ako napapayag. Wala na ding nagawa si Daryll kung hindi ang magpaalam sa akin, matapos nitong umalis ay agad kong kinuha ang cellph

