-=Naya's Point of View=- Isang malakas na tawa ang narinig ko sa kabilang linya matapos ang pagbabanta kong iyon, parang hindi nito sineryoso ang sinabi kong iyon. "Mukhang tumatapang ka na Naya, it seems kailangan mo na uling paamuin, katulad ng dati." puno ng panganib nitong sinabi. Hindi ko na natiis ang mga kasunod nitong sinabi, kaya agad ko ng binaba ang tawag ko dito. Para akong nawalan ng lakas nang mapaupo ako sa kama ko. Muli ay pakiramdam ko ay nag-iisa ako, hindi ko kasi sigurado kung dapat ko bang ipagtapat sa mga magulang ko, o kaya naman kay Hadley ang nangyari, ngunit natatakot akong mapahamak sila kapag nangyari iyon. Kaya kahit mahirap ay pinilit kong sarilinin ang problemang kinahaharap ko, pinilit kong huwag pansinin ang patuloy na pagtawag sa akin ni Ysmael, hind

