chapter twelve

1921 Words
Mas gumaan ang pakiramdam ko nang dumadapo sa aking balat ang hangin mula sa karagatan. Pahapon na at kailangan ko nang pumunta sa dalampasigan para mamulot ng mga korales para gawing bracelet, kwintas, o pangdisenyo sa mga bahay nang kung sinuman ang bibili sa akin. Part time ko lang din ito habang nagtatrabaho din ako dito sa beach resort dito sa Bataan. Oo, dito ako dinala ng mga lalaking iyon. Balak ko man magpakamatay ng mga panahon na iyon pero may isang taong nagsalba ng aking buhay. Si Rahel. Loob ng sampung taon na namalagi ko dito ay malaking tulong na ang ibinigay niya sa akin. Pinakain, pinatira at binigyan ng trabaho. Kasama ang pamilya niya sa pagtulong sa akin para makausad ulit sa buhay. Ilang beses na siyang nagtanong sa akin kung gusto ko bang bumalik ng Cavite at baka hinahanap na ako doon. Pero tumanggi ako. Hindi ko kayang bumalik doon. Dahil makikita ko lang doon si Vlad, at sa oras na malaman niya tungkol sa nangyari sa akin, iiba ang tingin niya sa akin. Aminado ako, natatakot ako sa magiging reaksyon niya. Baka mandiri siya sa akin, baka kamuhian niya ako, lalo na't baka mas lalo ako husgahan ng kaniyang ina na si Madame Idette. Alam kong nag-aalala din sa akin si tita pero ito na ang naging pasya ko. Hindi rin ako nagtapos ng kolehiyo. Mas iniisip ko kasi kung papaano ko bubuhayin ang sarili ko. Tutal naman ay nakapagtapos na ako ng senior high. Para sa akin ay sapat na iyon. At isa pa, hindi ko pa kayang makihalubilo sa ibang tao tulad nang dati dahil naroon pa rin ang takot kaya hindi ako lumalayo sa resort na pagmamay-ari ni Rahel. Ilang beses din ako nangangalangin na sana ay hindi na ako balikan ng mga lalaking iyon. Galing sa isang mayaman na pamilya si Rahel, noong una ay dinala niya ako sa mismong mansyon nila para doon niya ako manatili, siya din ang kumuha ng magaling na psychologist para mag-undergo ako ng ilang psychological treatment hanggang sa unti-unti na akong nagiging okay. Ang bilin lang ng psychologist sa amin ay iwasan ko lang daw ang mga bagay na makakatriggered sa akin kahit na tapos na ang session ko. Tumigil ako sa pagpupulot nang napatingin ako sa mga batang masayang naglalaro. Napangiti ako nang tinawag ako ng isang bata doon at kumakaway na tila tuwang tuwa siya sa kaniyang ginagawa. Kumaway ako pabalik. Binawi niya ang kaniyang tingin at ipinagpatuloy niya ang kaniyang paglalaro sa ibang bata. Nakakatuwang isipin dahil malusog ang batang ito at masigla.  Lumipat ang tingin ko sa medyo kalayuan ng sandbar. Tanaw ko mula dito ang mga nakahilerang bangka. Ang mga kalalakihan ay abala sa pag-aayos ng mga lambat. Ilang minuto pang nakalipas ay tapos na ako sa pagpupulot. Bago man ako bumalik sa resort ay bumaling ako sa grupo ng mga bata na naglalaro. "Vivi!" tawag ko sa batang kumakaway sa akin kanina. Tumigil siya at lumingon sa akin. Kumaway ako sa kaniya upang lumapit na sa akin. Tumingin siya sa mga kalaro at mukhang nagpapaalam na siya sa mga ito. Tinalikuran na niya ang mga ito at umaribas siya ng takbo palapit sa akin na may ngiti sa kaniyang mga labi. "Mama!" sabay yakap niya sa akin. "Uuwi na po tayo?" Tumango ako. "Oo, anak. May trabaho pa si mama mamaya." hinaplos ko ang kaniyang mahaba at itim na buhok pagkatapos ay sabay na kaming naglakad pabalik ng resort. "Marami ka po ulit nakuha, mama!" hindi nawawala ang pagiging masigla niya nang napuna niya nag baldeng hawak ko ngayon na naglalaman ng seashells at mga korales. "Yep. Sana makabenta tayo." Mas lumapad ang kaniyang ngiti. Humawak siya sa aking kamay at nagtatalong-talon. Vivian Amarissa Cabangon ang ipinangalan ko sa kaniya. Vivian means life and Amarissa means blessings by God. Oo, noong una, hinding hindi ko matanggap na nagkaroon ng bunga ng masaklap at mapait kong kahapon. Dahil kung ibang ina ako, maaaring ipapalaglag ko ito o kaya ibubunton ko sa kaniya ang galit ko. Pero pilit kong hindi 'yon maramdaman. Dahil walang kasalanan ang batang ito sa nangyari. Inosente siya. Lalo na't takot ako sa diyos. Ayokong kumitil ng buhay. Kaya ipinagpatuloy ko ang pagbubuntis ko kay Vivi. Iniisip ko nalang na siguro may dahilan ang diyos kung bakit nangyayari sa akin ang mga bagay na ito. "Oh, saan kayo galing?" si Rahel na sinalubong kami mula sa entrahada ng resort. May hawak siyang folder na mukhang importante iyon. Nasa likuran lang niya ang kaniyang sekretarya. "Namulot po si mama ng seashells, ninang. Ako naman po, nakipaglaro." si Vivi ang sumagot. Napangiti si Rahel at hinaplos ang buhok ng aking anak. "Oh siya, kailangan mo nang maligo dahil dadaan kayo ng mama mo sa simbahan." "Opo, ninang!" pagkatapos ay tumakbo siya palayo sa amin, naghabilin pa ako na dahan-dahan lang at baka madapa siya o kaya maaksidente. "Salamat sa pagpayag mo, Rahel. Na dadaan muna ako ng simbahan." nakangiting sambit ko. "Naku, ayos lang, ano ka ba? Matagal mo na din naman hindi ulit nakakabisita kay Fr. Severio." aniya. "Mabuti na rin at sabado ngayon, walang pasok itong si Vivi para atleast may kasama ka." Kasama din ang matandang pari na iyon sa paggaling ko. Ilang beses ako nagpapabless sa kaniya. Humihingi ng payo sa anuman ang magiging desisyon ko, lalo na noong ipinagbubuntis ko pa si Vivi. Hindi ko sukat-akalain na mas mahaba ang kaniyang pasensya sa akin. Habang nasa treatment din ako noon, nag-volunteer ako sa simbahan bilang tagapaglinis bilang kabayaran ko na din iyon sa pagtulong niya sa akin lalo na sa ispirituwal na kakulangan. Wala talaga akong masabi sa paring iyon dahil apo o anak na din ang turing niya sa akin. - Pagkatapos namin mag-usap ni Rahel ay sabay na kaming naligo ni Vivi. Binihisan ko din siya ng isang magandang bestida samantalang ako naman ay simpleng tshirt at maong pants. Bago man kami tuluyang umalis ay dumaan muna kami sa opisina ni Rahel para magpaalam. Nakasakay na kami ng tricycle nang napansin ko ang suot ng anak ko na body bag. "Anak, anong laman ng bag mo?" tanong ko. "Mga napulot ko ding pong mga kabibe, mama." sabi niya. Hindi na ako nagsalita pa, sa halip ay ngumiti nalang ako at inakay ko ang aking anak habang papunta na kami sa simbahan. - Pagpasok namin sa simbahan ay una muna namin ginawa ni Vivi ay magdasal. Ako mismo ang nagturo sa kaniya kung papano mag-sign of the cross hanggang sa tinuruan ko din siya ng iilang mga basic na dasal. Mabilis makuha ni Vivi. May potensyal siya sa pagmememorize. Minsan pa nga ay siya pa ang nagpapaalala sa akin ng ilang bagay para hindi ko makalimutan, lalo na kung tungkol sa trabaho. "Mama, makikipag-usap lang po ako kay ate Regina." paalam niya sa akin bago man namin marating ang Opisina ni Fr. Severio. "Oh sige, susunduin nalang kita doon, okay?" malumanay kong sambit. Lumapad ang kaniyang ngiti. "Opo, mama!" tugon niya sabay halik sa aking pisngi bago man siya naglakad palayo sa akin para hanapin si Regina, ang inampon ng Fr. Severio na lumaki daw ito sa kalye. Kumatok ako ng tatlong beses sa pinto ng Opisina. Rinig ko ang boses ni Father mula sa loob. Sinasabi niya na tumuloy ako. Huminga ako ng malalim at pinihit ko ang pinto hanggang sa dahan-dahan ko ito itinulak. Tumambad sa akin ang matandang pari na abala sa pagbabasa naputol lang iyon nang maramdaman niya ang aking presensya. "Magandang araw po, Father." nakangiting bati ko sa kaniya. Itinabi niya muna ang papel na kaniyang binabasa at tumingin sa akin na bakas sa kaniyang mukha ang kagalakan. "Inez, iha! Mabuti at napagawi ka sa simbahan." Lumapit ako sa kaniya at inabot ko ang dala kong pagkain na galing pang resort. "Para po sa inyo pala. Galing po ito kay Rahel, kinakamusta din po niya kayo." sabi ko. May lumapit na isang lalaki na marahil ay isa itong sakristan. Siya ang tumanggap ng pagkain na dala ko. "Halika, halika, maupo ka." alok ni Father sabay turo niya sa sofa ng opisinang ito. Umupo kami pareho. "Malaking pasasalamat ko sa Diyos dahil nagiging maayos na ang buhay mo, anak." "Malaking pasasalamat ko din po dahil binigyan ninyo ako ng tulong, Father." "May awa ang diyos, Inez. May malaki siyang dahilan kung bakit binibigyan ka niya ng pagsubok. Nga pala, nasaan ang anak mong si Vivi?" "Pinuntahan niya po si Regina sa kusina. Makikipaglaro siguro." Tumango-tango si Father. "Malapit na ang pyesta, Inez. At maraming programa ang isasagawa dito. May balak ba kayo ni Rahel sa pagsali? Paniguradong maraming dayo ulit dito." "N-naku, wala po namang ibinanggit si Rahel tungkol d'yan." huminga ako ng malalim. "Baka nga po, busy po kami sa resort." Pagkatapos namin mag-usap ni Father nagpaalam ako na aalis na. Sinamahan niya ako na pumunta sa Kusina para sunduin na si Vivi pero wala siya dito! "Hindi po pumunta si Vivi dito, ate Inez." may halong pagtataka sa kaniyang boses nang sagutin niya ang tanong ko kung nasaan ang anak ko. "Yael, pakihanap naman si Vivi. Baka nakarating siya sa likod ng simbahan nang hindi niya namamalayan." utos ni Father sa sakristan na agad din itong kumilos para hanapin si Vivi. Bumaling ako kay Father. "Hahanapin ko lang po siya sa labas." paalam ko at mabilis akong naglakad palabas ng simbahan. Rinig ko pa ang pagtawag niya ay hindi ako nag-abalang lumingon sa kaniya. Pinaghalong kaba at takot ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala nang tuluyan ang anak ko! Pagkaalam ko ay mabait na bata ang anak kong iyon. Hindi siya sumusuway sa mga bilin at paalala ko pero hindi ko akalain na may pagkapasaway siya at umabot pa sa ganito! Maraming tao sa labas ng simbahan. Karamihan ay naghahanda na para sa paparating na pyesta. Sobrang paghahanda ang gagawin nila. Mayroon ding mga nagtitinda nag kung anu-ano sa gilid. Ni anino ng niya, hindi ko makita! Nasaan ka, Vivi?! Sige pa rin ang paghahanap ko. Walang tigil. Bawat bata na nadadaanan ko ay tinitingnan ko na baka si Vivi na iyon pero bigo ako. Wala talaga siya. "Mama!" Tumigil ako't lumingon. Napasapo ako sa aking bibig. Umaaribas ng takbo ang anak ko palapit sa akin at sinunggaban niya ako ng isang mahigpit na yakap. Lumuhod ako't ako naman ang yumakap sa kaniya nang mahigpit. Nawala nang parang bula ang mga negatibong pakiramdam kanina. Nakahinga ako ng maluwag nang bumalik sa akin si Vivi. Kumalas ako't ikinulong ng magkabila kong palad ang kaniyang mukha. "Nasaan ka ba nagsusuot? Pinag-alala mo si mama." garagal kong sambit. "Sorry po kung nagsinungaling ako, mama. Habang kausap mo si father, binenta ko po ang mga bracelet at necklace na gawa mo na hindi naibenta kahapon..." sabay binuksan niya ang kaniyang maliit na body bag at inilabas niya mula doon ang dalawang libong piso! "Lalaki po ang napagbentahan ko, mama..." "Lalaki?" kumunot ang noo ko. "Opo! Ayon po siya, oh!" sabay lingon niya't itinuro niya sa akin ang direksyon ang lalaking tinutukoy niya. Sinundan ko iyon ng tingin at dahan-dahan akong tumayo. Bumilis ang t***k ng aking puso nang makita ko ang lalaking sinasabi ni Vivi. Diretso itong nakatingin sa aking direksyon. Bakas sa mukha niya ang pinaghalong gulat at tila naguguluhan siya na dahilan na pagpiga ng aking puso. Parang hindi ako makahinga ng mga oras na ito. Hindi ako makapaniwala na magkukrus ulit ang mga landas namin. Ramdam ko nalang ang pagtulo ng ilang butil ng luha na marahas umagos iyon sa aking pisngi. "V-Vlad..." mahinang tawag ko sa kaniya. Inilipat niya ang kaniyang tingin sa aking anak. Kinuyom ko ang aking kamao. Ito na ang kinakatakutan ko. Ang maiisipan niya ako ng masama... Nagbago ang ekspresyon ng kaniyang mukha na parang kumpirma na niya. Bakas na doon ang lungkot at pighati...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD