chapter thirteen

1958 Words
Umatras ako ng isa kahit na nanatili pa rin ako nakahawak kay Vivi. Bumaba ang tingin ko sa aking anak. Marahan ko itong hinatak saka hinawakan ang isang balikat niya. Tinalikuran namin si Vlad. Kailangan kong lumayo sa kaniya hangga't maaga pa. Habang may natitira pa akong lakas upang makatakas! Dire-diretso kami hanggang sa nakapasok na kami sa tricycle. Walang tigil ang pagbilis ng t***k ng aking puso. Natatakot ako na baka mahabol niya kami o ano. Sinabi ko din sa driver kung saan niya kami ibaba—sa mismong beach resort ni Rahel. Malaking pasasalamat ko naman dahil matiwasay kaming nakalayo. "Mama, ano pong problema?" puna sa akin ni Vivi habang nasa byahe kami. Tumingin ako sa kaniya. Inilapat ko ang aking mga labi ng ilang segundo man ako sumagot. "Wala naman, anak. Nagmamadali lang si mama kasi hindi ba, may trabaho pa ako mamaya?" saka pilit ngumiti para itago ang tensyon. Hindi ko pupwedeng sabihin kay Vivi kung ano si Vlad sa buhay ko. Alam ko, noon pa man ay matagal nang naghahanap ang anak ko ng kalinga ng isang ama. Hindi ko naman masabi sa kaniya na hindi inaasahan ang pagsilang niya dito sa mundo lalo na't bunga siya ng disgrasya... Hindi ko alam kung papaano ko paunti-unti sasabihin sa kaniya ang totoo. Hanggang sa nakabalik na kami ng Beach Resort. Nakahinga ako ng maluwag dahil siguro naman ay hindi niya kami matutunton dito. Sana talaga... "Oh, bakit parang humahabol sa iyo?" puna sa akin ni Rahel nang maabutan niya akong nagbibihis ngayon dito sa locker room. Shift ko na din kasi. "Parang hindi ka mapakali kasi nang bumalik ka na dito." Huminga ako ng malalim saka humarap sa kaniya. "Nakita niya ako, Rahel." seryoso kong tugon.  Kumunot ang noo niya. "Huh? Sino?" medyo naguguluhan siya. "Si Vlad." Nang banggitin ko ang pangalan niya ay rinig ko ang pagsinghap niya. Lumipad pa ang palad niya sa kaniyang bibig kasabay na nanlalaki ang mga mata. "Oh my, seryoso? P-papaano?" pagkatapos ay tumabi siya sa akin "Siya ang napagbentahan ni Vivi ng mga necklace at bracelet..." napasapo ako sa aking noo. "Mukhang alam na niya na may anak na ako..." pumikit ako ng mariin. "Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag nagkrus ulit ang mga landas namin, Rahel." "Kung magtatanong siya, eh di magpaliwanag ka. Ang tanong lang naman d'yan kung... Handa ka na ba?" napangiwi siya. Alam kong nag-aalala siya sa maaaring mangyayari. "Inez, sa oras na ipaliwanag mo sa kaniya ang nangyari... Malalaman mo din mula sa kaniya kung ano ang magiging sagot niya. Kung tatanggapin ka pa rin niya kasama ang anak mo o... Hindi." Yumuko ako. "Hindi na ako aasa na tatanggapin pa niya ako. Lalo na kapag nalaman ng nanay niya ang nangyari, mas bababa ang tingin niya sa akin. Mas lalo akong hindi nababagay sa anak niya. Tanggap ko na iyon." may bakas pa rin na lungkot nanng sabihin ko 'yon. Rinig ko ang pagbuntong-hininga niya. Hinagod niya ang aking likod. "Basta, kapag inaway ka ng Vlad na iyon, handa akong rumesbak sa iyo. Okay?" Bumaling ako sa kaniya. Ginawaran ko siya ng isang maliit na ngiti. "Thanks." - Alas syete ng gabi ang umpisa ng duty ko kaya ayos lang. Ang trabaho ko ngayon ay maghatid ng mga pagkain ng mga guest. May iba kasing tinatamad na bumaba dahil na rin sa pagod sa kani-kanilang byahe. Wala naman akong reklamo sa trabaho ko dahil mas okay pa nga ito. Pero minsan din ay naglilinis ako ng mga hotel room. Tulak-tulak ko ang cart patungo sa kuwarto ng bagong guest. Medyo marami ang inorder niya na tingin ko ay marami itong kasama kahit nasa Presidential Suite ito. Tumigil ako sa tapat ng mismong silid ng hotel room. Pinindot ko ang buzzer na hudyat na dumating na ang inorder nilang pagkain. Kumunot ang noo ko dahil walang nagbukas. Ngumuso ako. Napapaisip na baka nagkamali sila ng room number na ibinigay. Ramdam ko nalang ang pagvibrate ng cellphone ko sa bulsa ng aking uniporme. Dinukot ko iyon at nakatanggap ako ng mensahe mula kay Rahel. May permiso daw akong pumasok sa loob dahil baka hindi daw ako marinig ng guest mula sa loob dahil baka lumabas ito o kaya nagsashower ito. Tumango-tango ako saka ibinalik ko sa aking bulsa ang aking telepono. Huminga ako ng malalim at mabuti nalang ay dala-dala ko ang spare keys, just in case of emergency kaya may mga ganito. Pinihit ko ang pinto. Dahan-dahan ko itong itinulak. Sumilip ako. Tahimik ang buong silid. Ngumuso ako't maingat na pumasok. Nilakihan ko din ang awang ng pinto. Inilipat ko ang mga pagkain sa Dining Area ng hotel room. Nang matapos na ako ay balak ko na sanang umalis nang napansin ko na ang kalat ng sahig. Pinaghubaran g damit siguro ng guest. Base sa obserbasyon ko, mukhang lalaki ang guest dito. Bago man ako umalis ay talagang inabala ko pulutin ang mga damit, papunta ito ng shower. Napulot ko na ang huling damit ay saka nagbukas ang pinto ng shower. Natigilan ako't dahan-dahan kong inangat ang aking tingin. Tanging tuwalya lang na nakasabit sa kaniyang bewang ang suot niya hanggang sa nagtama ang mga tingin namin ng lalaking nasa harap ko. Doon ay nabitawan ko ang mga napulot kong damit, nahulog ang mga ito sa sahig dahil sa pagkabigla nang makita ko kung sino ang nasa harap ko! Shit! Parang kakapusin ako ng hininga! Mabuti nalang ay nagawa ko pang tumalikod sa kaniya! Nagpakawala na ako ng hakbang palayo sa kaniya nang maabot niya ang isang kamay ko. Pwersahan niya akong hinatak saka napadikit ako sa kaniyang katawan! "Where are you going this time, Inez?" seryoso niyang tanong sa akin. "B-bitawan mo ako..." may halong pakiusap nang sambitin iyon. "Ilang beses na kitang pinakawalan pero, hindi na ngayon." matigas niyang saad. "May trabaho ako." giit ko pa. "Nagsabi na ako sa mismong may-ari ng resort na ito. Kaya huwag mo nang itinidhin ang duty mo." I can sense the dominance within his voice! Parang malaking atraso ang ginawa ko sa kaniya! "Sadyang pinadami ko ang inorder kong pagkain para kumain ka na din." Tumingin ako sa kaniya. "V-Vlad..." Walang sabi na bigla niya akong niyakap nang mapakahigpit. Iyong tipong ayaw na niya akong pakawalan. Ramdam ko na isiniksik niya ang kaniyang mukha sa pagitan ng aking leeg at panga. "In ten years, Inez. I'm so deathly afraid of losing you. Since you are gone... Out of nowhere... My life became dark and silent... I can't stop thinking about you and torturing myself everyday." basag ang boses niya nang sambitin ang mga salita na iyon na dahilan ng pagpiga sa aking puso. Kinagat ko ang aking labi. Hindi ko magawang yumakap sa kaniya pabalik. "Bakit, Inez? Bakit bigla kang nawala nang ganoon-ganoon lang? Bakit ang dali para sa iyo na iwan ako nang walang paalam?" Pumikit ako nang mariin. Pinipigilan kong maiyak kahit palihim na akong sinasaksak ng ilang beses ng matalim na punyal. Tahimik akong kumalas sa kaniya. "I am not your business anymore, Vlad." kalmado kong sambit. Isang pekeng ngiti ang iginawad ko. Kita ko pa rin ang pagtataka sa kaniyang mukha. Mayroon din na naguguluhan sa sinasabi ko. "Masaya na ako ngayon." tinalikuran ko na siya't palabas na sana ako ng silid na ito nang bigla siya ulit nagsalita. "Masaya ka na ba sa asawa mo ngayon, ganoon ba, Inez?" may bahid na sakit sa kaniyang boses na dahilan para mas lalo bumigat ang kalooban ko. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Humarap ako sa kaniya pero pilit ko pa rin ngumiti. "Oo. Masaya ako sa asawa ko, kaya may anak na kami." binawi ko na ang tingin ko mula sa kaniya at pilit kong makalabas ng hotel room. Nagmamadali kong tinutulak ang cart. Lumiko ako sa kanan. Tumiigl ako't isinandal ko ang aking likod sa pader. Tumingala ako sa kisame at huminga ng malalim kasabay ng pagtulo ng aking luha. Pumikit ako ng mariin. Napasapo ako sa aking dibdib at humigpit ang pagkahawak ko sa aking damit. Yumuko ako't marahas tumulo ang mga iilang butil ng luha na gustong--gusto nang kumawala kanina pa. Sorry kung kailangan kong magsinungaling sa iyo, Vlad. Kagustuhan ko ito. Hangga't maaga... Mas maiging huwag mong malaman ang totoo. Mas gugustuhin ko pang magalit ka sa akin nang tuluyan. Na ang tanging maniniwala ka sa kasinungalingan ko kaysa sa oras na malaman mo ang totoo, pandidirihan mo ako. Mas mabuti pang hindi nga tayo nagkatuluyan sa huli... Nang mahimasmasan na ako ay agad ko din pinunasan ang mukha ko para magawa ko nang maayos ang trabaho ko. - Nagising ako ng alas dyes ng umaga. Bumangon na ako't nagligpit ng kama. Pansin ko na wala na si Vivi dito sa kuwarto. Siguro ay nasa Opisina siya ngayon ni Rahel para mangulit o kaya makipagkwentuhan. Pwede rin na nauna na silang kumain ng almusal. Naligo at nakapagpalit na din ako ng damit bago ako tuluyang nakalabas ng kuwarto. Dumaan muna ako sa hot kitchen ng beach resort para kumain nang salubungin ako ni Aling Elsa, ang head chef dito. "Oh, mabuti at gising ka na, Inez." nakangiting salubong niya sa akin. "Good morning po," masiglang bati ko sa kaniya. "Good morning din, heto, tinirhan na kita ng agahan mo. Okay na ba sa iyo iyan? Kung kulang pa, sabihin mo lang at ipagluluto kita ora mismo." sabay nilapag niya ang plato sa kitchen table. Umiling ako saka umupo sa high stool. "Naku, okay na po ako dito. At saka dadaan din po ako ng palengke para ideliver ang mga nagawa kong bracelets." sabi ko't inumpisahan ko na din kumain. "Dadaan din po kami ni Vivi sa simbahan para magsimba po." "Speaking of Vivi, nakita ko anak mo may kasamang lalaki kanina. Masaya nga sila naglalaro sa dalampasigan, eh." sabat ni Maery, isa ding empleyado dito sa beach resort. Tumigil ako sa pagkain. Kumunot ang noo ko. "Lalaki?" taka kong ulit. Ngumuso siya't nagpangalumbaba sa harap namin. "Oo, ang guwapo nga, eh. Kung hindi ako nagkakamali, isa din siya sa mga guest dito." Walang sabi na ibinaba ko ang kutsara at nagmamadaling umalis sa harap nila. Tinatawag pa nila ako pero mas iniisip ko ang anak ko pati ang kasama daw nitong lalaki. Umiba na naman ang pakiramdam ko! Ano bang nangyayari?! Bakit parang nanumbalik na naman ang pagiging histerikal ko?! Tumigil ako sa dalampasigan nang datnan ko si Vivi ang kasama nitong lalaki. Masaya sila pareho sa pagbuo ng sand castle. Kita ko pa ang pagtatalon-talon ng anak ko dahil sa tuwa. Lihim ko kinagat ang aking labi. Humakbang ulit ako palapit sa kanilang dalawa. "Vivi!" malakas na tawag ko sa aking anak. Natigilan silang dalawa at lumingon sa direksyon ko. "Mama! Mama! Tingnan ninyo po, nakagawa kami ni tito Vlad ng sand castle! Ang ganda po!" tuwang-tuwang sabi niya. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Kung agad kong hihigitin si Vivi palayo kay Vlad, parang kabastusan naman iyon. "M-maganda nga..." iyan ang tanging nasabi ko na may kasamang ngiti. "Anak, hindi ba, sasamahan mo si mama sa bayan? Idedeliver natin iyong mga nagawa nating bracelets?" "Opo, mama." "Very good. Tara na?" segway ko pa. "Samahan ko kayo." biglang prisinta ni Vlad. Tumingin ako sa kaniya. Napalunok na ako. "K-kahit huwag na, makakaabala pa kami sa schedule mo." Oh please, makiramdam ka naman, Vlad. "I'm not busy, Inez." "Vlad... Baka magalit ang asawa ko..." s**t, wala na akong choice kungdi sabihin iyon. Kita ko ang pagngisi niya. Talagang idinikit pa niya ang katawan niya sa akin. "Bakit ang sabi ng anak mo, wala ka raw asawa?" bulong niya sa akin. Ramdam ko nalang ang pagtindig ng balahibo ko. s**t, kaunti nalang, malalaman na niya! "A-akala mo lang 'yon..." sabi ko na hindi nakatingin sa kaniya. "Lemme tell you this, ganda... May asawa ka man o wala, I will steal you and make you mine. Kahit ako man ang nauna o hindi, sisigurudin kong ako parin ang huli mo. Wala akong pakialam kung anak mo man si Vivi o hindi. Hinding hindi magbabago ang tingin ko sa iyo mula noong una palang kita nakita." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD