KINAUMAGAHAN, naging bisita ni Janicah ang kaniyang nanay at tatay sa ospital na kaniyang kinaroroonan. Nagpaalam naman muna si Ezekiel sa kanila para mabigyan sila ng sandaling privacy. Bibili rin daw ito ng maaaring kainin ng kaniyang mga magulang sa labas kasama si Mang Roberto. Sa labas naman ng kaniyang silid ay may dalawang bodyguard na nagbabantay para masiguro ang kaniyang seguridad. “Kumusta ka, anak? Ano’ng nangyari sa iyo?” bakas ang luha sa mga mata ni Nanay Lita na agad siyang niyakap. “Pinag-alala mo kami ng husto. Lalo na ang asawa mo.” “Sorry po, ‘Nay, ‘Tay.” Ikinuwento niya sa mga ito ang kaniyang sinapit. Lalo lang naluha ang kaniyang ina nang marinig ang kuwento niya. Ang Tatay Julio ni Janicah na pigil ang luha ay hindi rin napigilan sa pagtulo. “Okay ka na ba ngay

