ANG PAGKAGULAT sa mga mata nina AJ at Emerald ay agad na napalitan ng saya. May pagmamadali na nilapitan ng mga ito si Ezekiel na ng mga sandaling iyon ay tila ba mukhang nalilito pa rin. At nang yumakap ang kambal sa baywang ni Ezekiel ay tuluyan ng nalaglag ang mga luhang pinipigilan ni Janicah. Speechless siya. Bakit kilala ng mga ito si Ezekiel? Iyon ang paulit-ulit na tanong sa kaniyang isipan. “Papa, hindi ka na po ba aalis?” ani AJ na tiningala pa si Ezekiel. Umaasam ang mga mata. “A-anong tawag mo sa akin?” ani Ezekiel nang makabawi sa pagkabigla. “Papa,” ngumiti si AJ. “Palagi pong pinakikita ni lolo ang picture mo sa amin ni Emerald. Para daw po kapag umuwi na kayo, makikilala ka po namin agad.” Nag-squat si Ezekiel para makapantay ang dalawang anak. Hindi pa rin makapaniwal

