MABILIS na pinalis ni Ezekiel ng kaniyang kamay ang luhang nais kumuwala sa kaniyang mga mata habang pinagmamasdan ang mga anak nila ni Janicah. Hindi pa rin siya makapaniwala na may anak na sila. Iyong lungkot na nararamdaman niya dahil sa pagkawala ng baby nila ni Janicah ay triple ang saya na ipinalit ngayon nang makita niya sina Emerald at AJ. Ngayon din niya mas naunawaan ang sinabi noon ng tauhan nila sa hacienda tungkol sa pagkabuo ng kanilang pamilya ni Janicah. Siguradong iyon ang tinutukoy ng babaeng nagtanong sa kaniya noong magpa-meeting siya. Panahon na hindi pa sila one hundred percent na okay ni Janicah. “Papa,” ani Emerald na kumandong sa kaniyang hita. Animo isang magandang musika sa kaniyang pandinig na tawagin siyang ‘Papa’ ng mga ito. Nakakatuwa rin na hindi nag-aa

