HABANG nagpapalakas si Janicah ay araw-araw naman siyang hinihilot ni Inang Kadya, maghihilot ito sa hacienda. Nagbuluntaryo ito na hilutin siya dahil kailangan iyon ng katawan niya matapos ng nangyari sa kaniya. Ito rin ang naghihilot sa kaniya noong manganak siya sa kambal. “May gusto ka bang kainin?” ani Ezekiel na agad pumasok sa silid nila matapos siyang hilutin ni Inang Kadya. “Warm water lang muna, hubby,” aniya sa asawa na agad naman siyang ikinuha para mainom niya. Matapos niyang uminom ng maligamgam na tubig ay naupo ito sa tabi niya. “Hubby, namamahinga ka pa ba?” biro niya rito. Napangiti ito sa klase ng tanong niya. Busy rin kasi ito sa mga negosyo, sa mga anak nila at sa kaniya. “I’m fine,” paninigurado nito sa kaniya. “As long as okay rin kayo ng mga anak natin.” Tinin

