MAINGAT na binuksan ni Ezekiel ang pinto sa gamit na silid ng kaniyang mga magulang sa mansiyon. Sumilip siya sa loob. Gising ang kaniyang ina, mukhang hindi ito dalawin ng antok katulad ng nais nito na makapagpahinga mula sa mahabang biyahe mula sa Spain pauwi sa San Fernando. Dahil ng mga sandaling iyon ay nakatayo si Mama Belle sa may tabi ng bintana. Mukhang kay layo ng hayon ng tingin nito. “Tulog ba ang mama mo?” bulong pa sa kaniya ni Papa Michael na nasa likuran niya. Umiling siya bilang sagot. “Ako muna ang papasok, ‘Pa,” aniya rito na tuluyan ng pumasok sa loob. Habang ang ama niya at dalawa niyang anak ay naghihintay sa may labas ng pinto. Marahang naglakad si Ezekiel palapit sa kinaroroonan ng kaniyang ina. “Can’t sleep?” aniya sa kaniyang ina na saka lang nagawang magbalin

