GUSTONG manibago ni Janicah sa kaniyang asawa. Nang magising kasi siya mula sa pagkakatulog ay ito agad ang nabungaran niya sa kaniyang tabi. “Hubby, bakit parang hindi maalis ang ngiti sa labi at mga mata mo? Natulog lang ako, may iba na agad nagpapasaya sa iyo?” kunway banat pa niya. Nauwi sa tawa ang ngiti sa labi ni Ezekiel. “What are you saying?” natatawa pa nitong turan na inalalayan na siya sa pagbaba sa kama. “Para kasing ang saya-saya mo,” aniya rito. Hindi niya magawang tapatan ang ngiti sa labi nito. “Tamang duda ka naman yata sa ngiti ko?” tudyo pa ni Ezekiel kay Janicah bago nito niyakap ang asawa. Hindi pa nakuntento at ginawaran pa ng halik sa labi. “Masaya talaga ako ngayon. And I can’t help it.” Kumunot ang noo niya. “Bakit? Alam mo, hubby, ‘yang saya mo, para bang da

