ISANG mahigpit na yakap ang isinalubong ni Janicah sa kaniyang asawa nang makabalik ang mga ito sa mansiyon. Tapos na rin silang makapag-usap ng mama ni Ezekiel na ngayon ay namamahinga muna. Ipinagtimpla pa niya ito ng tea para makatulog ito ng maayos. Dahil sa magagandang nangyari nang araw na iyon kaya siguradong makakaidlip na si Mama Belle. “Nasaan na si mama?” tanong ni Ezekiel kay Janicah nang kumalas na siya rito. “Nagpapahinga sa silid nila ni Papa Michael.” Lalong lumawak ang ngiti sa labi ni Ezekiel. “Okay na kayo?” May ngiti sa labi na tumango siya. “Okay na.” “Thank you, wife,” ani Ezekiel na siya naman ang mahigpit na niyakap. Hinalikan din siya nito ng smack sa labi. “I’ve been praying na sana ay magkaayos na kayong dalawa. Thank you for listening to her.” “Hubby, eve

