“ATE, totoo ba ‘yong kumakalat na balita dito sa atin?” Buhat sa pagkakaupo sa gilid ng kama ay napatayo si Janicah habang nasa may tainga ang kaniyang cellphone at mahigpit iyong hawak. Tumawag si Jenny nang umagang iyon. “Anong kumakalat na balita?” may pagtataka sa boses na tanong niya sa kaniyang bunsong kapatid. “Balita kasi na wanted ‘yong mga taong involve sa pag-kidnap sa iyo. Tapos, may reward na twenty million pesos ang siyang makakapagturo sa mismong master mind sa pagpapa-kidnap sa iyo.” Sandali ring hindi nakahuma si Janicah dahil sa kaniyang narinig. Wala siyang alam sa bagay na iyon. “H-hindi ko alam ‘yong tungkol sa reward na ‘yan, Jenny.” “Mukhang legit ‘yong reward kasi nakapaskil daw sa may Police Station. Tapos may kumakalat pa sa internet.” “Magtatanong ako sa K

