HINAGOD-HAGOD ni Janicah ang likuran ni Ezekiel. Hindi man ito nagsasalita ngunit hindi maikakaila ang pagpupuyos ng galit dito. Nasa isang park sila kung saan nagpahinto sandali si Ezekiel para lumanghap ng sariwang hangin. Pakiramdam kasi nito ay nasu-suffocate ito sa kotse. “Hubby, kalma. Baka kung mapaano ka pa sa pagpupuyos mo na ‘yan,” may pag-aalala sa boses na wika niya sa kaniyang asawa. Marahas na huminga si Ezekiel. Tiim pa rin ang labi. “I just can’t believe na hahantong sa ganoon si Karen.” Kumuyom na naman ang mga palad nito kaya iyon naman ang hinawakan ni Janicah. “Napakasama niya para gawin ‘yon sa iyo.” “Hubby—” “Kahit babae siya, wala akong pakialam. Kung mag-so-sorry siya dahil sa nangyari,” umiling ito. “I won’t forgive her. Ang ginawa niya sa iyo ay hindi kapatawa

