ISANG surpresa ang naghihintay kay Janicah nang umagang iyon sa may salas. Nababaan niya roon si Mang Isko at ang asawa nitong si Inang Tina na kay lawak ng mga ngiti sa labi nang siya ay makita. Nang makalapit sa mag-asawa ay walang salita na niyakap niya ang mga ito. Palaisipan pa rin sa kaniya kung paanong nakarating ang mga ito sa hacienda? “Kumusta po kayo?” agad din niyang tanong na pinaglipat sa mag-asawa ang tingin. Mukhang okay naman ang mga ito base sa hitsura ng mga ito. “Naku, Ineng, ‘wag kang mag-alala at okay naman kami ni Isko,” sagot ni Inang Tina na muling naupo sa sofa. Ganoon din si Mang Isko sa tabi nito. Hinawakan naman niya sa braso ang kaniyang asawa na si Ezekiel na nakasunod sa kaniya. “Si Ezekiel po pala, siya po ang asawa ko,” pakilala pa niya sa mga ito sa k

