SA MULING pagbasa ng last will and testament ni Don Alonzo Ortega ay sa probate court na iyon isinagawa. Dahil wala ang dalawang anak ni Don Alonzo na sina Alfredo at Elmer Ortega kaya naman nakiusap na lang si Papa Michael na ito na ang pipirma para sa dalawang kapatid na hindi makakadalo sa personal. Ganoon pa man ay mayroon doong naka-setup na isang laptop kung saan ka-video call ang magkapatid. Kita ng mga iyon kung ano ang mangyayari para sa araw na iyon. “Okay ka lang?” baling pa ni Ezekiel kay Janicah. Napakurap si Janicah. Nginitian niya ang kaniyang asawa. “Medyo naninibago lang ang pakiramdam ko ngayon, hubby. Hindi ko mapigilan ‘yong sarili ko na maalala ‘yong nangyari noong unang pagbasa sa last will ni Lolo Alonzo.” Ginagap ni Ezekiel ang kaniyang kamay. “Mas payapa ang ma

