HALOS mapigil ni Janicah ang kaniyang paghinga. Hindi rin niya magawang tingnan ang passbook na nahulog sa may sahig dahil nabitiwan niya. Lalong nanginig ang kaniyang pakiramdam. Totoo ba iyong nakita niya o naduling lang siya sa pagtingin sa mga zero? Daig pa niya ang nakakita ng multo. Ang puso niya ay kay lakas din ng kabog. Ilang beses pa siyang huminga nang malalim para lang kalmahin ang pagreregodon ng kaniyang puso. Nahilot niya sandali ang sentido. Nang makabawi sa pagkabigla ay saka lang niya nagawang yukuin at damputin ang passbook. Lumakas na naman ang kabog ng puso niya habang unti-unting binubuklat ang passbook. Napalunok siya. Pakiramdam niya ay nanuyo ang lalamunan niya habang pinagmamasdan ang mga numerong nakalagay sa passbook. Naka-time deposit ang halaga na nakala

