“GRADUATE na po ako, ‘Lo,” ani Janicah sa harap ng puntod ni Don Alonzo. Habang hawak ang kopya ng kaniyang diploma. “Parang kailan lang, nagduda pa po ako sa sarili ko kung kakayanin ko ba na mag-online class lang at hindi pumasok sa mismong university? Pero kayo ‘yong nagpilit sa akin na okay lang ‘yon. Kaya ko ‘yon. Matututukan ko rin ang mga bata na hindi kailangang pumasok sa mismong university.” Ngumiti siya. “‘Lo, sana po, proud kayo sa akin. Natapos ko ‘to. Kahit ang daming trial na nangyari. Alam ko, ginagabayan niyo rin po ako kung nasaan man kayo ngayon. Sana… sana narito kayo para makita ko ‘yong reaction ninyo ngayong nakatapos na ako.” Kumibot ang labi niya nang may maalalang eksena mula sa nakaraan… “Janicah, apo, kailangan mo pa ring magpatuloy sa pag-aaral.” “‘Lo, malil

