“BUTI naman dumating ka na,” ani Mama Belle nang makapasok si Ezekiel sa loob ng kanilang bahay. “May problema po ba?” agad niyang tanong. Kagagaling lang niya sa koprahan ng niyog kasama si Ernesto. “Mukhang hindi okay ang pakiramdam ni Janicah.” Ganoon na lang ang pag-aalala na bumakas sa kaniyang mukha. Hindi na rin siya nagtagal pa sa harapan ng kaniyang ina. Halos takbuhin pa niya makarating lang sa kanilang silid ng kaniyang asawa. Medyo habol pa niya ang paghinga nang marahan niyang pihitin pabukas ang door knob sa kanilang silid. Agad siyang pumasok at maingat din na isinara ang pinto. Lalong binalot ng kaba ang pakiramdam ni Ezekiel nang makitang may cold compress sa may noo ng kaniyang asawa habang nakahiga ito sa kama nila. Agad niyang nilapitan sa kama si Janicah at maing

