“KAPATID, bakit ba ang daya-daya mo? Sorry, alam ko, gusto mo na masaya lang kami ngayon. Pero hindi ko mapigilan na maging emosyonal. Sobrang miss ka na namin.” Sandaling huminto sa pagsasalita si Anton para dukutin sa bulsa ng pantalon nito ang dala nitong panyo. Pinahid nito ang luhang tumulo buhat sa mga mata nito. Pagkuwan ay muling nagpatuloy sa pagsasalita. “Tanda mo ba ‘yong sinabi ko sa iyo noon? Na palagi kang mag-iingat dahil ayaw ko ng mauulit ‘yong nangyari sa kapatid nating si Jayson. Pero, nangyari pa rin. Kung kailan ikakasal ka ulit.” “Ate Janicah,” sunod namang nagsalita si Jenny sa tabi ni Janicah. Pero unang salita pa lang nito ay nabasag na agad ang tinig nito. “Ate, sobrang miss na kita. ‘Wag kang mag-alala kasi… kasi inaalagaan kong mabuti ang mga anak mo. Pangako,

