INILAPIT ni Ezekiel ang kaniyang pisngi sa kamay ni Janicah. Her wife suffer from severe traumatic brain injury mula sa aksidenteng kinasangkutan nito. Isang linggo na rin mula nang mangyari iyon. Ngunit hindi pa rin ito nagkakaroon ng malay matapos ang naging operasyon nito. Agad ding inilipat sa Makati Medical Center ang kaniyang asawa dahil naroon ang mga mas high tech na hospital equipment na kakailanganin nito. “Julio, ayaw ko ng maulit ‘yong sinapit ng isa nating anak,” umiiyak na wika ni Nanay Lita kay Tatay Julio. Si Jayson ang tinutukoy nito. “H-hindi mauulit ‘yon,” nagpapakatatag naman na wika ni Tatay Julio sa asawa nito. “Paano kung… kung—” “Lita, magdasal tayo. May awa ang Diyos.” “Sana nga maawa siya sa anak natin. Napakabait ni Janicah. Bakit kailangan niyang magkagani

