HALOS hindi na gumagalaw ang mga sasakyan sa kinaroroonan nina Ezekiel. National highway iyon. “Ano’ng problema?” tanong na niya kay Ernesto. “Hindi ko makita, Señorito, kung bakit traffic na rito,” ani Ernesto na sumilip pa sa may bintana sa gilid nito. Hindi na naghintay pa si Ezekiel. Binuksan na niya ang pinto sa gilid niya at nagdesisyon na takbuhin na lamang ang ma-traffic na kalsada. Wala siyang pakialam kung pagtinginan man siya ng mga tao dahil sa suot niya. Hinihingal na siya pero walang kaso sa kaniya. Hanggang sa unti-unti niyang matanaw kung bakit nagkaroon ng traffic sa lugar na iyon. May mga nagkukumpulang mga tao sa mismong gitna ng kalsada. Sa hindi kalayuan ay may naririnig pa siya na paparating na tunog ng ambulansiya. Mukhang may naaksidente kaya ma-traffic. Nagpa

