“PAKIRAMDAM ko, hubby, na-scam tayo sa three days na dapat ay hindi magkikita,” ani Janicah kay Ezekiel habang kausap ito sa kabilang linya. Pampering day nila nang araw na iyon. May pupuntang team ng isang kilalang salon sa hacienda. May magma-massage rin para maalis ang mga lamig-lamig nila sa katawan. “Bakit mo naman nasabi ‘yan?” “Sabi kasi ni Nanay Lita, one day lang ang alam niya na dapat hindi magkikita ang bride at groom.” Bahagyang napatawa si Ezekiel sa kabilang linya. “Hindi pa rin kita puwedeng makita ngayong araw dahil bukas na ang kasal natin.” “Ano pa nga ba?” aniya na napabuntong-hininga pa. “Kumusta ang party ninyo kagabi, hubby?” “Okay naman.” “Uminom ka ng alak?” “Don’t worry, wife. Kaunting wine lang.” “Wala namang problema sa akin, hubby,” aniya. Minsan lang n

