ISAY's P.O.V
"Isay? Mama?" Boses ni Jasmine na naghatid ng kaba at takot sa amin ni Sampaguita.
Bigla kaming nataranta sa loob ng cubicle. Pinunasan ko ang bibig ko at inayos din ni Sam ang sarili nya.
Naririnig namin na papalapit na ng papalapit sa cubicle namin ang mga yabag at tinig ni Jasmine. Kaya bago pa man sya makatapat sa kinaroroonan namin ay lumabas na ako ng cubicle habang nag-iisip ng ipapaliwanag kay Jasmine.
"Isay? Mama? Anong. . ." Gulat na tanong niya sa amin ng makitang sa iisang cubicle lang kami lumabas ni Sam.
Kunwaring inayos ko ang strap ng bra ko. "Nasira kasi yung hook ng bra ko, buti nalang naabutan ko pa si Mama dito at inayos nya para sakin." Palusot ko.
"Oo b-buti na nga lang at may dala akong perdible dito." Pagsakay ni Sam.
"Thanks Ma. Best Mom ka na, Best Mother in law pa." Nakangiting sabi ni Jasmine.
Isang pilit na ngiti ang binigay ko bago nya kunin ang kamay ko para lumabas na ng restroom. Si Sam naman ay muli akong iniwasan.
Nang makauwi na kami ay dumiretso agad si Sam sa kanyang kwarto.
"Babe, ipagtitimpla ko lang si Mama ng gatas nya." sabi ko.
"Sure babe. Ikaw ha. . ." Wika ni Jasmine na nagpakaba nanaman sa akin.
"Ha? Anong ako?"
"Nagpapalakas ka masyado sa future biyanan mo." Biro ni Jasmine na nakapagpaluwag ng paghinga ko.
"Sira! Sige na magbihis ka na muna sa kwarto." Wika ko sa kanya at nagtungo na ako sa kusina para timplahan ng gatas si Sam.
*tok *tok *tok
"Bukas." Aniya kaya pumasok na ako sa silid niya.
Para syang nagulat pero pakunwaring abala sa pagbu-brush ng buhok nya habang nakaupo sa kama.
"Gatas po Ma." Sabi ko na inilapag yun sa bedside table niya.
"Sige iwan mo nalang dyan." Aniya na hindi manlang ako tiningnan.
Umupo ako sa paanan ng kama nya at tsaka pinagmasdan ang maganda nyang mukha.
"Iniiwasan mo nanaman ba ako dahil sa nangyare kanina sa restroom?" Sabi ko sakanya pero hindi sya kumibo.
"Alam mong lalo lang tayong mahahalata ni Jasmine sa ginagawa mong pag-iwas sa akin."
Nilapitan ko siya at hininto ang kamay niya sa pagsusuklay. Hahalikan ko na sana siya ng patigilin nya ako.
"Tama na Isay. Masyado lang lumalala ang sitwasyon." Aniya.
"Pero gusto kita, aminin mong gusto mo rin ako!" Wika ko sakanya sabay higpit ng kapit sa kamay nya.
"Hindi lahat ng gusto natin kailangan masunod, dahil hindi lahat ng gusto natin ay tama!" Tinanggal nya ang kamay ko sa kamay nya at tiningnan ako ng diretso.
"Kung ako pala ang gusto mo, bakit kayo ni Jasmine ngayon? Kung hindi mo naman pala siya mahal, bakit ka pa nakipagrelasyon sa anak ko?!" Mangiyak-ngiyak na tanong nya sakin.
"Mahal ko ang anak mo Sampaguita. Itinuring ko sya bilang tunay na kapatid at matalik na kaibigan. Pero gusto nya ako ng higit pa dun kaya. . ." Natigil ako sa aking sinasabi at napatungo sa kamay ko na nasa aking kandungan.
Tumayo si Sam sa kama at naupo sa harap ng kanyang salaminan. Bakas sa maganda nyang mukha ang kaguluhan sa kanyang isipan.
Ipinagpatuloy ko ang aking sinasabi. "Kaya sinubukan ko din syang mahalin sa paraang gusto nya dahil ayaw ko syang mawala." Pag-amin ko at tiningnan ko sya sa repleksyon ng salaminan nya. "At sinubukan kong alisin ang nararamdaman ko sa'yo."
"Kung talagang sinubukan mo, paano tayo napunta sa ganitong sitwasyon Isay?" Tuluyan ng pinakawalan ni Sam ang mga luha nya.
Agad ko syang nilapitan at niyakap ng nakatayo. Parang pinipiga ang dibdib ko sa bawat paghikbi ni Sampaguita. Magsisi man ako ay hindi na maibabalik ang nakaraan.
Nang mahimasmasan ay bumitaw na sya sa pagkakayakap sakin. "Lumabas ka na, Isay. Salamat sa gatas. Kailangan ko ng magpahinga." Aniya.
"Paano tayo?" Niyakap ko sya patalikod.
"Walang tayo." Sabay kawala sa yakap ko. "Mula ngayon pilitin na nating ibaon sa limot ang kung anong namagitan satin. Alam kong mahirap pero 'yun ang nararapat."
Walang dugong tumulo pero ramdam ko ang tila ba punyal na itinarak ni Sampaguita sa puso ko gamit ang mga salitang iyon. Marahil ako lang 'tong ipinagpipilitan ang sarili sakanya, ako lang 'tong nag-iilusyon na mahal din nya ako.
"Kung yan ang gusto mo. Goodnight." Ang tanging nasabi ko at tuluyan na akong lumabas ng kwarto nya.
* * *
SAM's P.O.V
Paglabas ni Isay sa aking silid ay muling pagtulo ng mga luha ko. Bakit ako nasasaktan ng ganito, gayong alam ko naman na tama ang naging desisyon ko? Simula ng iwan kami ng tatay ni Jasmine ay ngayon lang ulit sumikip ang dibdib ko sa labis na lungkot.
Kinabukasan ay araw ng linggo. Minabuti kong magsimba nalang ng mag-isa at hindi na ginising pa ang dalawang dalaga. Sa paglabas ko ng simbahan ay nakita ako ang iilan na nagtitinda ng sampaguita. Muli kong nakita sa aking ala-ala ang unang pagtatagpo namin ni Isay. Kung gaano nalang kagaan agad ang loob ko sakanya. Kung gaano agad tumatak ang matamis nyang ngiti sa isip ko.
Pag-uwi ko ay laking gulat ko ng bumungad sa akin ang lumuluhang anak ko na si Jasmine. Agad ko siyang niyakap at tinanong.
"Anak! Anong nangyare?! Bakit ka umiiyak?"
Iniupo ko muna sa sofa si Jasmine, inaalo ang kanyang pag-iyak at tinawag si Isay.
"Isay! Isay! Nasaan ba si Isay ha?" Tinanaw ko ang kusina habang umiiyak padin sa balikat ko si Jasmine.
"W-Wala na sya Ma. . ." Sabi ni Jasmine na humihikbi. "Iniwan na nya ako."
"Hindi. . . Hindi maaari." Nasabi ko nalang habang sumusugod sa kwarto nila. Binuksan ko ang cabinet nila, sapatusan, mga drawers at wala na nga duon ang mga gamit ni Isay. Nanlambot ang buong katawan ko at napaupo nalang sa kama nila.
Oh Diyos ko.
"Iniwan na nya tayo." Ani Jasmine na nakatayo sa pintuan ng kwarto at may inabot sa akin na papel.
Isang liham.
Nakita ako ng Tita ko sa f*******: at napagdesisyunan kong sumama na sa kanya sa Cebu. Patawad kung hindi na ako nagpaalam pa sa inyo dahil alam kong magkakaiyakan lang tayo.
Maraming salamat sa pagkupkop at pagturing na parang isang tunay na pamilya sa akin. Maraming salamat din sa pagmamahal mo Jasmine kahit hindi ako karapatdapat sa pagmamahal mong iyon. Hangad ko ang kaligayahan nyong mag-ina.
Lagi ko kayong dadalhin sa puso ko.
Patawad at paalam,
Isay