bc

Sampaguita (gxg)

book_age0+
1.5K
FOLLOW
8.0K
READ
love-triangle
possessive
sex
age gap
sensitive
single mother
drama
gxg
bisexual
like
intro-logo
Blurb

Sampaguita o mas kilala na 'Sam' ang pagiging lesbian ng kaisa-isang anak na dalagang si Jasmine, tanggap nya ang anak ng buong puso.

Pala-simba tuwing linggo si Sam at nakilala nya ang isang palaboy na dalagang sampaguita vendor na kasing edad lang ng anak nya.

Sa pagdating ng sampaguita vendor na si Isay, dala kaya nya ay pag-ibig o kaguluhan lang sa buhay ng mag-ina?

chap-preview
Free preview
Kabanata I
Simula noon pa man ay pala-simba na si Sampaguita o mas kilala sa palayaw nitong Sam. Bukod sa Diyos ay ang anak nya sa pagkadalaga na si Jasmine ang kasangga nya sa buhay. Isang linggo, palabas na sya ng simbahan ng may makasalubong syang sampaguita vendor. "Mam, bili na po kayo ng sampaguita." Wika ng dalagang nakangiti. Luminga-linga naman si Sam sa paligid upang hanapin ang palagi nyang binibilhan ng sampaguita. Pero hindi nya ito nakita kaya napagpasyahan nalang nya na bumili sa sampaguita vendor na nasa harap nya ngayon. "Ah sige, bigyan mo ako ng isa." Wika ni Sam at natuwa naman ang sampaguita vendor. Matamis ang ngiti ng dalagang magtitinda habang kumukuha ng supot sa belt bag nya na ipapambalot sa kwintas na bulaklak. Sa tantsa ni Sam ay mukhang kasing edad lang nito ang anak na si Jasmine na labing pitong gulang. "Eto na po Mam! Salamat po!" Simula noon ay sa dalagang iyon na laging bumibili ng sampaguita si Sam. Kahit hindi nya kilala ang sampaguita vendor ay kay gaan ng pakiramdam nya dito at tila ang mga ngiti nito ang isa narin sa kumukumpleto ng linggo nya. * * * Araw muli ng simba. Kasama ni Sampaguita ang anak nyang si Jasmine, paglabas nila sa simbahan ay nahagip agad ng mga mata ni Sam ang sampaguita vendor. Ngunit hindi na ito tulad ng dati, wala na itong binebentang sampaguita, madungis na sya at pulos pasa ang mga braso at mukha. Labis ang pagkahabag na naramdaman ni Sampaguita, hindi na nya napigilan pa ang sariling mapatakbo para lapitan ito. "Ma, wait!" Napasigaw nalang si Jasmine sa pagkagulat ng tumakbo ang Mama nya para lapitan ang gusgusing dalaga na nakaupo sa gilid ng simbahan. Sumunod nalang sya sa kanyang Mama kahit di nya maintindihan ito. "Ineng! A-anong nangyari sa'yo???" Sa alalang-alalang tono ni Sampaguita. Nagulat din si Jasmine ng makalapit na din at makita ang dalagang kasing edad nya na ganoon ang kalagayan. Tsaka lang din nya namukaan ito, ang madalas nilang bilhan ng sampaguita ng kanyang Mama. "N-Naku kayo po pala Mam p-pasensya na po hindi ako nakakuha ng sampaguita ngayon eh, kaya wala po akong maipagbibili sa inyo ngayon." Wika ng sampaguita vendor na pilit parin ngumiti kahit hirap sa pagsasalita gawa ng pasa nito sa gilid ng labi. "Hindi na importante yun ineng! Ano ba kasing nangyare sayo?! Sinong may gawa nyan sayo?!" Galit na pagtatanong ni Sampaguita. "W-wala po ito Mam, Okay lang po a - " Hindi na natapos pa ng sampaguita vendor ang sasabihin nya ng mawalan na ito ng malay. * * * SAM's POV "Ma! She's awake!" Pagtawag sa akin ng anak kong si Jasmine mula sa kwarto nya kaya nagmadali akong pumunta don. Pagpasok ko ng silid ay muli kong nasilayan ang magandang ngiti ng batang iyon na akala ko'y hindi ko na muling makikita pa. Ang sampaguita vendor. Pagkatapos nyang mahimatay sa may simbahan ay iniuwi namin sya dito sa bahay at nagparaya naman si Jasmine na dito nalang muna sa kwarto nya patulugin ang dalaga. Halos magdadalawang araw na din syang natutulog, marahil sa mga bugbog na tinamo nya. Ngayon ay nakaupo na sya sa kama, nakangiti sya sakin habang papalapit ako. "Kamusta na ang pakiramdam mo Ineng?" Tanong ko sakanya. "Ok na po Mam." Sagot nya. "You're lucky that we saw you, heto uminom ka na muna." wika ng anak kong si Jasmine na inabutan ng tubig ang dalaga. "Salamat." Wika ng dalaga at uhaw na uhaw na ininom ang tubig. "Anong pangalan mo? At ano ba kasing nangyari sayo?" Tanong ni Jasmine. "Ako si Ysabelle. Pero ang tawag sa akin ay Isay..." Duon nya sinimulan ang pagkukwento nya samin. Napag-alaman namin na yumao na pala ang kanyang mga magulang kaya nakikitira lang sya sa kaibigan nya at nabubuhay sa pagtitinda ng sampaguita. Hindi nya lubos akalain na pagtatangkaan syang gahasain ng kaibigan nyang lalaki, nanlaban sya dahilan ng kanyang natamong pasa kaya nagdesisyon syang umalis nalang duon. "Walangyah pala yung kaibigan mong 'yun eh! Dapat ipabaranggay yun!" Galit na galit na reaksyon ni Jasmine sa kwentong narinig kay Isay. "Jasmine." Pagsita ko sakanya dahil sa pagmumura nya. "I-I'm sorry Ma, pero kasi sobra na yung ginawa nya kay Isay." "Tama si Jasmine, dapat na ireport mo ang taong may gawa nito sayo para magtanda." Sabi ko. "Hindi na po... Ayoko na po ng gulo at isa pa, malaking abala na sa inyo itong pananatili ko dito." Aktong bababa na sa kama si Isay kaya inalalayan ko sya. "Isay ineng, dahan-dahan lang." Wika ko. "Kailangan mo bang mag cr?" Tanong ni Jasmine. "Hindi, aalis na ako. Salamat sa pag-aalaga sakin." Sabi ni Isay. "W-wait lang! Hindi ka pwede umalis!" Pigil ni Jasmine. Maging ako ay sang ayon sakanya. Lalo na't nalaman kong wala ng uuwian si Isay kundi sa gilid ng simbahan. Kaya naman binuksan namin ang aming tahanan kay Isay. Itinuring ko syang parang tunay na anak at pinag-aral, mabilis din silang nagkasundo ni Jasmine. Maging ako ay kay gaan ng pakiramdam sakanya. Itutuloy...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Jerk and The Transgender (Hot Trans Series #1)

read
58.7K
bc

Just A Taste (SPG)

read
930.2K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.4K
bc

IN BETWEEN (SPG)

read
291.1K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
45.1K
bc

Their Desire (Super SPG)

read
1.0M
bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
490.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook