JASMINE's P.O.V
Aaminin ko, nung unang araw na sinabi ni Mama na iuuwi namin si Isay sa bahay ay hindi ako sang-ayon 'coz I don't even know this girl. Pero ng malinisan ni Mama ang madungis na si Isay ay namangha ako.
Isay is so beautiful.
At sa dalawang araw na tulog sya dahil sa kondisyon nya ay hindi ko maiwasan ang sarili na hindi tititigan ang mala-Anghel nyang mukha, kaya ng magising na sya ay labis ang sayang naramdaman ko.
Three months na din ang nakakalipas when Isay came to live with us. Sobrang bait niya at napakasipag sa gawaing bahay. Mabilis kaming nag click dahil mahilig syang magluto at syempre ako naman ay mahilig kumain.
Natagalan din ako bago ko masabi kay Isay na lesbian ako, natatakot kasi ako na baka bigla syang mag bago ng pakikitungo sakin. Pero hindi naman ako nabigo, tanggap nya ako at mas lalo pa yata kami naging close.
Ako yung tipo ng lesbian na hindi sobrang pa-macho at hindi rin naman sobrang pa-chix. Basta, sa babae lang ako nagkakagusto.
Dalawa lang ang kwarto sa bahay namin kaya magkasama kami sa kwarto ko, ibinili na lang ni Mama si Isay ng sarili nyang kama. Pabor na pabor yun sa akin dahil gusto kong palaging kasama si Isay.
* * *
Nanunuod ako ng t.v ng laking gulat ko ng lumabas si Isay mula sa c.r ng nakatapis lang ng tuwalya. Sa c.r sya nagdadamit ang alam ko kaya unang beses ko siyang makita na ganito.
Hubog na hubog ang katawan nya sa manipis at luma kong tuwalya na nakatapis sa katawan nya. Agaw pansin din ang mga biyas at braso nyang kay kinis. Napalunok nalang ako ng laway. Ibinalik ko ang mata ko sa'king pinapanuod pero huli na ang lahat.
"Ah-eh, nakalimutan ko kasing magdala ng damit." Sabi ni Isay na nahuli akong pinagmamasdan sya.
"O-Okay lang!" Nabubulol kong sagot.
Matapos yun ay tila ba naiilang na ako kay Isay. Mas naging kumportable naman siyang magbihis na sa kwarto ko kaya tuwing nagbibihis sya ay nagkukunwari akong may kukunin lang sa sala, o kahit anong dahilan makalabas lang ng kwarto namin para 'di ko sya makitang nagbibihis.
Alam kong mali yung nararamdaman ko kay Isay lalo na't sabi ni Mama ay ituring ko ng kapatid si Isay. Hindi ko alam kung paano pipigilan 'tong nararamdaman ko gayong kasama ko si Isay sa isang kwarto. Paano nga ba pigilin ang damdaming nagpupumiglas?
Isang gabi ay malakas ang ulan, may storm signal kaya wala kaming pasok ng araw na yun.
"JASMINE!"
Sigaw sa akin ni Isay na parang palakang biglang lumundag sa tabi ko ng kumulog ng malakas at nagbrown-out habang nagtatablet ako.
"Ha!Ha! Afraid of the dark?" Tumatawa kong sabi sakanya. Ang cute niya kasing matakot, nakakakapit pa sya sa likod ko na parang tarsier.
"Hindi ah! Nagulat lang ako." Ani Isay sabay hampas ng braso ko.
*tok, tok*
Biglang may kumatok sa kwarto namin, alam kong si Mama yun malamang bibigyan kami ng kandila o kaya rechargable lamp. Pero naisipan kong pag-tripan si Isay kaya hindi ko muna binuksan ang pinto.
*tok, tok, tok*
"Isay, yung pinto." Sabi ko sakanya.
Tumingin sya sa akin, tanging ilaw lang namin ay ang tablet ko at cellphone niya.
"Ano?" Ani Isay.
"Yung pinto kako." Sabi ko ulit sakanya.
Nang tumayo na si Isay at aktong pipihitin na pabukas ang doorknob ay ngumiti ako sakanya ng nakakaloko at sinabing...
"Wait lang Isay! Paano kung . . . hindi si Mama yan."
Natanaw kong biglang namutla si Isay at binitawan ang doorknob. Hindi nya alam kung bubuksan pa ba nya ang pinto o tatakbo pabalik sa akin.
Biglang bumukas ang pinto, at nakita ko ang babaeng maliwanag ang mukha.
"AAAAAAHHH!!!"
Sabay naming sigaw ni Isay pagpasok ni Mama na may dalang rechargeable lamp at flashlight. Nanlambot ang mga tuhod ni Isay sa takot kaya napaupo ito sa sahig.
"Ano bang - Bakit ba kayong dalawa sumisigaw?" Nagulat din na tanong ni Mama.
"Ahahaha! W-wala Ma." Sabi ko na 'di mapigil ang pagtawa kay Isay.
"Kanina pa akong kumakatok para ihatid itong rechargeable lamp nyo eh, Isay bakit ba hindi nyo ako pinagbubuksan." Ani Mama.
Magkasalubong ang kilay ni Isay na nagpapagpag ng puwitan pagtayo mula sa sahig. Mukhang nainis sya sa biro ko pero wala siyang sinabi kay Mama.
"Wala po Tita, nakatulog po kasi kami kaya - kaya di ka po namin napagbuksan agad.
"Sabi ko naman sayo Mama nalang din ang itawag mo sakin. Sya sige, lalabas na ako. Jasmine, behave." Ani Mama at nginitian ko siya na parang anghel.
Pagkalapag nya ng lamp sa gitna ng bedside table namin ni Isay ay lumabas na si Mama. Lumingon naman sakin si Isay at siningkitan ako ng mata. Yari. Bigla syang parang palaka nanaman na tumalon sa kama ko.
"Haha, oh may ilaw na tayo oh. Natatakot ka parin ba?" Asar ko sakanya.
Pero hindi siya nagsalita, nagkatitigan kami (Shocks!) Ang ganda nya lalo sa malapitan! Kinilabutan ako ng hawakan nya ako sa batok at dahan-dahang ipinikit ang kanyang mga mata. Unti-unti ng naglalapit ang aming mga labi, parang may karera ng kabayo sa dibdib ko, hanggang sa halos limang sentimentro nalang ang layo sa isat-isa ng mga labi namin. Alam ko na ang susunod na mangyayare sa amin kaya, ipinikit ko na ang aking mga mata...
"Ha!-Ha!-Ha! Nice..."
Napamulat ako sa tawang iyon ni Isay, I thought she was going to kiss me?! Fvck, Malamang yun ang ganti nya sakin. Nag-init ang mukha ko dahil sa hiya.
"Hindi magandang biro Isay!" Singhal ko ng nilapag ko na ang tablet sa bedside table at nagtalukbong nalang ng kumot.
"Ano! Eh ikaw kaya ang nauna." Aniya.
Hindi ko siya pinansin, tumalikod ako ng higa sa kama niya, magkahalong hiya at inis ang nararamdaman ko ngayon. Hindi niya alam, wala talaga siyang kaalam-alam sa nararamdaman ko!