KUMUNOT ang noo ni Sam nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto at pumasok doon si Hiraya. Mabilis lumipad sa wall clock ang kanyang tingin. It’s only five in the afternoon, karaniwan ay alas siyete ng gabi ito nakakauwi. “Bakit ang aga mo?” tanong pa niya, sabay bangon. Matapos nilang mag-meryenda ni Hari ay umakyat na ito sa kuwarto nito para gawin ang mga assignments. Siya naman ay dumiretso sa kuwarto para mag-siesta. Gusto sana niyang matulog pero hindi na naman siya dalawin ng antok. Nilapag nito ang bag sa couch at naupo sa gilid ng kama. Inalalayan pa siyang bumangon nito pagkatapos ay masuyo at matagal siyang hinalikan sa labi. “Hmm… it really relieves my stress when you kiss me like that,” halos pabulong na sabi niya. “Same here,” nakangiting sagot nito. “How’s work? A

