“SINO ulit?” tanong ulit ni Hiraya.
“Private Investigator daw po.”
Humigpit ang kapit niya sa phone, pagkatapos ay pumikit at huminga ng malalim.
“Sige. Papasukin mo na.”
Nang pumasok ang imbestigador ay tumayo siya at sinalubong ito sa gitna ng silid. Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito at tinuro ang sofa para doon sila maupo.
“Kumusta?” kabadong tanong niya.
Inabot nito sa kanya ang isang folder.
“Nariyan po sa loob lahat ng impormasyon na kailangan n’yo.”
Muli siyang pumikit at huminga ng malalim. Alam ni Hiraya na maaaring ikagalit ni Sam ang ginawa niyang pagpapa-imbestiga. Pero wala siyang mapagpipilian sa mga sandaling iyon. Matapos atakihin ng lalaking gustong kunin ito, hindi na mawala ang pag-aalala niya para sa kaligtasan ni Sam. Pero dahil sa matinding trauma nito ay hindi rin nito maikuwento sa kanya ang nangyari noon. Ayaw niyang kumilos kung kailan huli na ang lahat, dahil wala siyang ibang prayoridad kung hindi ang kaligtasan ng kanyang mag-ina. Matapos ihanda ang sarili sa maaaring malaman, saka binuksan ni Hiraya ang folder at binasa ang reports na naroon kasama ang mga larawan, police at hospital records.”
“Samantha Lagman, mula nang mamatay ang mga magulang ay kinupkop na ito ng dating kasambahay ng pamilya. Anim na buwan buntis ito nang umalis sila ng Maynila at tumira sa isang bayan sa Batangas. Nang pumanaw ang kasambahay ng kumupkop kay Ms. Lagman at anak nito. Lumipat siya kasama ang anak sa
ibang bayan sa Batangas malapit sa pinasukan nitong trabaho sa pabrika.”
“Ayon sa mga nakausap ko doon na nakakakilala kay Miss Lagman, mabait daw ito at ang anak niya. Palakaibigan at masipag. Tahimik at simpleng nabubuhay ang dalawa, hanggang sa nakilala nito si Jason Dominguez, dalawang taon na ang nakakalipas.”
Kumunot ang noo ni Hiraya nang makita ang larawan ng isang lalaki na kalakip ng mga papel doon. Matapang ang mukha nito, kayumanggi at maskulado. Isang tingin pa lang ay hindi na maganda ang pakiramdam niya sa lalaki.
“Sino siya sa buhay ni Sam?”
“Kilala ‘yan sa lugar nila kung saan din nakatira si Miss Lagman na mapera. Maraming illegal na negosyo. Drugs at pasugalan. Takbuhan ng mga tagaroon na nangangailangan ng pera. Siga at kinatatakutan ng karamihan. Malaki ang pagkakagusto niya kay Miss Lagman noon pa pero hindi siya pinapansin nito. Ayon sa nalaman ko…” pagpapatuloy nito saka nilagay sa ibabaw ang isang hospital records.
“Dalawang taon na ang nakakalipas nang dapuan ng sakit ng Dengue ang anak ni Miss Lagman. Nanganib ang buhay ng bata. Dahil walang pera, napilitan itong lumapit kay Jason Dominuez. Nailigtas ang bata at gumaling pero sa ibang paraan naningil itong si Dominguez.”
Nilagay naman nito sa ibabaw ang mga police reports na nakuha nito.
“Miss Lagman filed three complaints of rape and physical abuse. Hindi lang siya ang sinasaktan ni Dominguez, kung hindi pati ang anak ni Miss Lagman.”
Napapikit si Hiraya sa narinig at mariin kinuyom ang palad. Halos malukot niya ang hawak na papel. Biglang nanikip ang dibdib niya dahil sa labis na galit. Sa mga sandaling iyon ay gusto niya agad ipahanap ang lalaking ito. Gusto niyang basagin ng paulit-ulit ang mukha nito hanggang hindi na ito makilala
“Anong nangyari sa kaso?”
“Hindi umusad. Na-dismiss dahil hawak ni Jason sa leeg ang Hepe ng pulisya doon sa lugar nila. Nakikinabang sa pera nito, samakatuwid, tumatanggap ng lagay kaya malakas ang loob ni Dominguez na lantaran gumawa ng illegal. Ayon sa mga impormasyon nalaman ko mula sa mga naging kapitbahay at malapit na kakilala ni Sam. Sa loob ng dalawang taon ay inabuso ni Dominguez ang mag-ina. Paulit-ulit nitong ginahasa at binubugbog si Miss Lagman. Kapag nakikialam ang anak, pati ito ay sinasaktan. Gustuhin man tumulong ng mga tagaroon ay wala rin silang magawa dahil sa takot.”
Doon siya biglang tumayo at humarap sa pader. Dinikit ang noo doon at saka sumigaw ng malakas.
“P*tangina!” malakas na sigaw niya dahil sa galit pagkatapos pinagsusuntok ang pader pagkatapos ay malakas na napaiyak. That explains those scars on her back. Mga bakas at resulta ng hirap na dinanas nito.
“Sir! Sir!” awat sa kanya ng imbestigador.
Sumugod si Rafael at tinulungan nito na ilayo siya sa pader. Sumasabog sa galit ang dibdib niya. Hindi nakayanan ni Hiraya ang nalaman at napaluhod na lang ito at doon umiyak ng husto saka patuloy na binayo ng kamay ang sahig.
“Papatayin kita, animal ka!” galit na bulalas niya.
Sa kabila ng pagpigil sa kanya ng dalawa. Pumiksi siya at tumayo. Nag-aapoy sa galit ang mga mata na kinuha ang phone sa ibabaw ng mesa at agad tinawagan ang kapatid.
“Musika, I want you to do me a favor and I want you to use all our possible connections. I want a manhunt against Jason Dominguez. I’ll send you the details immediately.”
“Sir Aya,” usal ni Rafael.
Hindi niya pinansin ito. Sa halip ay pinunasan ang luha saka kinuha muli ang folder at inabot sa kanyang assistant.
“Fax this and send them to Musika.”
“Pero Sir, y-yong k-kamay n’yo p—”
“Now!” malakas ang boses at galit na sigaw niya.
“Yes Sir!” mabilis na sagot nito at nagmamadaling lumabas ng silid.
Kumuha siya ng papel at nanginginig pa ang kamay na sinulat doon ang numero ni Musika.
“I want you to go to my sister, she’s an NBI agent. Sabihin mo lahat ng detalyeng nalaman mo. And I want that f*ckin’ a**hole captured within forty-eight hours.”
“Sige po.”
Nang maiwan siyang mag-isa. Doon binuhos ni Hiraya ang emosyon. Umiyak siya ng umiyak. Hindi siya makapaniwala na ganoon kahirap ang pinagdaanan ng kanyang mag-ina. Ngayon naiintindihan na niya kung bakit hindi maikuwento ni Sam ang lahat. Gusto niyang sisihin ang sarili sa nangyari sa kanyang mag-ina. Nang mga panahon na iyon ay abala siya sa pagpapakasaya sa buhay. Trabaho. Travel. Party. Inom. Babae. Repeat. Habang abalang-abala siya sa pagpapakasaya, ang mag-ina niya ay impyernong nabubuhay dahil sa Jason Dominguez na iyon. Kung naroon lang sana siya, kung nalaman niya lang noon pa na buntis si Sam. Baka iba ang naging buhay ng mga ito.
Pinalipas muna ni Hiraya ang ilang sandali para bumaba ang emosyon niya. Pagkatapos ay nagmamadaling lumabas siya ng silid.
“Cancel all my appointments today,” pormal ang mukha na sabi niya nang
madaanan ang mesa ng kanyang assistant. Hindi na rin niya hinintay ang sagot nito at dumiretso na agad sa elevator.
Habang nasa elevator ay pinagtitinginan ang kamay niya. Tahimik ang mga ito at tila ramdam ang tensiyon at galit niya. Pagdating sa palapag kung saan naroon ang opisina ni Sam, malalaki ang mga hakbang niya papunta sa opisina nito. Pagpasok sa loob ng Marketing Department, agad natanaw ni Hiraya si Sam habang kausap si Rissa at iba pang mga kasama nito. Lumingon ito nang ituro siya ni Rissa. Mabilis niya itong nilapitan.
Ngunit nang tuluyan niya itong makaharap ay hindi napigilan ni Hiraya ang emosyon at muling lumuha.
“L-Love… bakit ka umiiyak? Anong nangyari?” alalang-alala na tanong nito.
Nang makita nito ang kamay niya ay lalo itong nagulat at hinawakan iyon.
“Anong nangyari sa kamay mo? Napaaway ka ba?”
Sa halip na sumagot ay agad niya itong niyakap ng mahigpit. Hindi na inintindi ni Hiraya kung marami man tao sa paligid. That moment, he just to hugged her tight.
“Aya… you’re scaring me. What’s happening to you?” mahina ang boses na tanong nito saka gumanti ng yakap at hinagod siya sa likod.
“Just please stay still. Let me hug you.”
“Aya…” usal nito.
“I’m sorry… I’m sorry I wasn’t there with you,” he cried.