Chapter 31

1761 Words
“ANO BA talaga ang nangyari? Bakit ka umiiyak kanina? Bakit nagdudugo ang kamay mo?” Hindi alam ni Sam kung ilang beses na niyang tinanong iyon kay Hiraya. Pero wala siyang nakuhang sagot mula dito. Nakatungo lang ito at patuloy na lumuluha. Nang kumalma ito kanina ay saka niya dinala sa clinic ng kompanya at doon ginamot ang kamay nito at binalot ng benda. Mula doon ay pumunta sila sa pribadong opisina nito, naabutan pa nilang nililinis ng janitor ang bahagi ng pader na hinala niya ay pinagsusuntok nito dahil sa mga bahid pa ng dugo na naroon. “Okay, kung ayaw mong magsalita. Pumunta na lang tayo ng ospital para mapa-xray ko ‘yang kamay mo, baka nabali—” “I’m okay,” mahina ang boses na sagot nito. “No. You’re not okay.” “I said, I’m okay!” biglang sigaw nito sabay tayo at tinalikuran siya at tumanaw sa labas. Napapitlag si Sam sa ginawa nito. Iyon ang unang beses na tumaas ang boses nito sa kanya. “Aya… what’s—” “Tinawagan ko na si Musika. Pina-blotter ko na si Jason Dominguez, let’s file a Temporary Restraining Order para hindi na siya makalapit sa inyo ni Hari,” putol nito sa sinasabi niya. Natigilan si Sam dahil sa pagkabigla nang marinig ang pangalan na binanggit nito. Nabalot siya ng takot. Bumilis ang kabog ng kanyang dibdib at malakas ang dagundong niyon. “P-paano mo…” Hindi nagsasalita na kinuha nito ang folder at inabot sa kanya. Natutop ni Sam ang bibig nang makita ang laman niyon saka binasa ang mga naka-print sa papel. Pero bigla niya iyon nabitiwan nang makita ang picture ng lalaking nagmistulang bangungot sa buhay niya. “Pina-imbestigahan mo ‘ko?” hindi makapaniwalang tanong niya. Doon ito tumingin sa kanya. “Yes,” deretsong sagot niya. “How… how can you do this? Alam mo na hindi pa ako handa na malaman mo ang tungkol dito? That’s why I’m not saying anything,” mariin sabi niya. “At kailan ka magiging handa? Kapag tuluyan ka na naman napahamak? Kapag natangay ka na n’ya? Kapag nasaktan na naman n’ya si Hari?” “Bakit ba palagi mo akong pinapangunahan?! Palagi kang ganyan, Hiraya! Hindi mo muna tinatanong kung anong gusto ko! You always act for your own convenience! Hindi mo na ako inisip! Hindi mo nirespeto ang gusto ko!” Hindi makapaniwala ito na tinignan siya. “For my own convenience?! Well, hell yeah! Dahil mas mapapanatag ang kalooban ko kapag naipakulong ko ang t*rantadong ‘yan! Ginawa ko ‘yon para masiguro ko na ligtas kayo ng anak natin! And I did not do this just to ease my mere curiosity! I did it for you and Hari! Dahil sa trauma mo alam ko na hindi mo pa kayang magsalita! But I cannot just sit back, do nothing, and wait until you’re ready to talk! Akala mo ba natahimik ako mula nang makita ko ang mga peklat sa likod mo?! No, Sam! It hunts me! Hindi ako mapakali! Alam kong may kailangan akong gawin para protektahan kayo!” Doon bumulalas ang emosyon ni Sam at tinakpan ng palad ang mukha. Namalayan na lang niya na nilapitan siya ni Hiraya at hinila siya patayo, pagkatapos ay hirap na hirap ang kalooban na pumikit. Umangat ang kamay nito, nanginginig at hindi alam kung hahawakan siya o yayakapin. “Sam…” garalgal ang tinig na sabi nito. “Bakit hindi mo ako hinanap noong malaman mo na buntis ka? Bakit hindi mo sinabi kay Daddy noong magkita kayo? Bakit hindi mo naisip na tawagan o puntahan ang mga kapatid ko? You should’ve done something to let me know, Sam. You should’ve let me know… pananagutan naman kita eh. Nang mga panahon na iyon, sa sobrang pagmamahal ko sa’yo, handa akong pakasalan ka. And I hate myself for letting you go the night we broke up. I shouldn’t have let you go that night.” Tumungo si Sam at namalayan na lang ang sarili na nagkukuwento kay Hiraya tungkol sa tunay na sinapit niya sa mga kamay ni Jason Dominguez. “Patong-patong ang utang ko. Sa mga kaibigan, pitong buwan upa sa bahay, monthly bills, at nadagdagan pa nang magkasakit si Hari at kinailangan ko siyang itakbo sa ospital. Wala na akong mahiraman kaya napilitan akong lumapit sa kanya noon dahil kailangan kong magbayad sa ospital dahil nanganganib ang buhay ni Hari dahil sa dengue. Umutang ako sa kanya ng isangdaan libo. Ang usapan namin babayaran ko buwan-buwan kada sweldo. Pumayag siya. Hanggang isang gabi. Pinasok niya ako sa bahay. He forced himself to me. That was the first time he raped me. Hanggang sa nasundan pa iyon ng nasundan. Alam ko na noon pa na may gusto siya sa akin, pero hindi ko naisip na sasamtalahin niya na may pangangailangan ako para makuha ang gusto niya sa akin. At sa tuwing tumatanggi ako, binubugbog niya ako, pinagbabantaan na papatayin si Hari. Sampal, suntok, sipag, hanggang sa ginagawa niyang ashtray ang likod at pinapaso ng sigarilyo. Sa bawat pagkakataon ginagamit niya ako ay sinasaktan niya ako. Tiniis ko lahat nang iyon dahil kapag nilabanan ko siya, si Hari ang pinagbabalingan niya. Sinubukan namin tumakas, ilang beses na, pero nahahabol niya kami. Ilang beses ko siyang nireklamo sa pulis pero pinapakawalan pa rin siya na parang mas mataas pa siya sa batas sa lugar na iyon. Tiniis ko ang pambababoy niya sa akin. At sa tuwing ginagamit niya ako, pinapalabas ko si Hari ng bahay dahil ayokong makita n’ya kung anong ginagawa sa akin ni Jason. Ayokong makita niya kung gaano ka-miserable ang nanay n’ya. Ilang beses kong naisip na magpakamatay na lang para matapos na ang paghihirap ko, pero sa tuwing nakikita ko si Hari at sa naiisip ko na puwedeng mangyari sa kanya kapag iniwan ko siya. Nagbabago ang isip ko. Nang mga panahon na iyon, ako lang ang mayroon siya. Kaya kahit mahirap, nagtiis ako para sa kanya. Si Rissa, siya ang tumulong sa akin para makatakas. Kapag pumapasok ako sa trabaho, nagdadala ako ng mga damit namin ni Hari, paunti-unti. Sa bawat sweldo ko, nagpapatabi ako sa kanya ng pera para ipunin namin pamasahe. Nagpabili ako kay Rissa ng pampatulog. Nang gabing iyon hinalo ko ‘yon sa alak na iniinom nila ng mga tauhan niya. Doon lang kami nakatakas ni Hari. Tinulungan kami ng mga kapitbahay namin na alam ang nangyayari sa amin. Pagdating dito sa Maynila, kay Rissa kami tumuloy mag-ina. Siya ang nagpasok sa akin dito sa kompanya. Noong mga panahon nasa poder pa kami ni Jason, madalas ka nang tinatanong ni Hari sa akin. Bakit daw hindi kami lumapit sa’yo para matulungan kami? Pero paano… pagkatapos ng pagtalikod ko sa’yo, pagkatapos kong pairalin ang pride ko noon, at matapos ng mga nangyari sa akin. Anong mukha ang maihaharap ko sa’yo?” Muling bumuhos ang kanyang mga luha. “Kung ako lang ang masusunod, hindi na ako magpapakita sa’yo. Pero kailangan ka ni Hari, kailangan ng ama ng anak ko. Kaya noong orientation day dito sa kompanya, nalaman ko na ikaw pala ang may-ari nito. I took it as a sign. Sinamantala ko ang pagkakataon, kahit hindi ako nagpapakita sa’yo. Nag-iipon ako ng lakas ng loob para sabihin sa’yo ang tungkol kay Hari. Labinlimang taon tayong hindi nagkita pagkatapos ay bigla na lang akong susulpot doon at sasabihin sa’yo na may anak tayo. Ang pagkikita namin ni Yumi sa restaurant n’ya, hindi iyon aksidente. Sinadya ko ‘yon para gawin siyang tulay para makausap ka. Nahihiya kasi akong dumirekta sa opisina mo. Nagkataon lang din na naghahanap siya ng ka-blind date mo. Ang plano ko lang ay ipakilala sa’yo si Hari, iwan siya sa iyo para hindi siya mahanap ni Jason, sa poder mo alam ko magiging safe siya. Pero hindi ko inasahan na sa pagkikita ulit natin ay muli kang mapapamahal sa akin.” “Ngayon, nalaman mo na ang totoo. Matatanggap ko kung magbabago ang tingin mo sa akin. Basta ang hiling ko lang sa’yo, huwag mong pababayaan si Hari.” “What are you talking about?” lumuluha pa rin tanong ni Hiraya sabay hawak nito sa kamay niya saka siya hinila at mariin na hinalikan sa labi. “’Di ba sinabi ko na sa’yo na hindi na kita pakakakawalan? Ang ibig kong sabihin doon, kahit ano pa ang nakaraan mo. Kahit ano pa ang nangyari sa’yo, wala akong pakialam. Mas lalo pa kitang minahal dahil nakaya mong magtiis ng ganoon para kay Hari. Kung hindi ka naging matapang baka hindi tayo nagkabalikan, baka hindi ko nakilala si Hari.” Lalong naging emosyonal si Sam sa narinig na sagot ni Hiraya. Mula nang magkamabutihan at nagkabalikan sila, hinanda na niya ang sarili sa maaaring biglang pagbabago ng isip nito kapag nalaman ang nangyari sa akin. Ngunit nagkamali siya. Nang mga sandaling iyon, napatunayan ni Sam na totoo at puro ang pagmamahal ni Hiraya para sa kanya. Ginagap nito ang magkabila niyang pisngi at hinalikan siya sa noo. “I’m sorry for everything that happened to you. I’m sorry I wasn’t there to protect you. I’m sorry that I came too late. I’m sorry that you had to go through that kind of hell. And thank you. Thank you for holding on and fighting for Hari. You can now rest and put your heart at ease now. Dahil ngayon, ako naman ang lalaban para sa inyo.” Kapwa emosyonal na hinalikan nila ang isa’t isa sa labi pagkatapos ay mahigpit na nagyakap. Matapos iyon ay bahagya nitong nilayo ang sarili para tignan muli ang kanyang mukha. “Sam, I need you to be strong. It won’t be easy but what I can promise you is that I’m with you.” Umiiyak pa rin na tumango siya. “Lakasan mo ang loob mo, dahil pupunta tayo kay Ikah, let’s file a case against Jason Dominguez. Unahan na natin bago pa siya makalapit ulit sa’yo. Papaliitin ko ang mundo niya. I promise you. Makukulong siya at pagbabayaran niya ang ginawa sa inyong dalawa ni Hari. Hindi ko palalagpasin ang ginawa niya sa inyo. Sisiguraduhin ko na hindi gagana ang impluwensiya niya sa mga may hawak sa kanyang pulis dahil sama-sama ko silang ipapatapon sa kulungan. Lahat ng umagrabyado sa inyo, hahabulin ko lahat. If I have to use all our family’s influence, I’ll do it. Masiguro ko lang na makukulong siya.” Hinaplos siya nito sa pisngi. “Do you trust me?” Marahan siyang tumango. Muli siyang hinalikan nito sa labi pagkatapos ay niyakap ng mahigpit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD