Chapter 32

2090 Words
NANG araw na iyon ay maagang umalis ng opisina si Sam at Hiraya. Matapos matanggap ni Musika ang pinadalang mga ebidensya ni Hiraya sa assistant nito. Pinapunta sila nito sa pulis at doon hiningan siya ng statement. Hindi naging madali para kay Sam na balikan ng dalawang beses sa buong maghapon ang nangyari. Nagalit siya noong una kay Hiraya dahil pinangunahan siya nito. Pero napag-isip-isip din niya na tama ito. Jason is very persistent to get them back. Hindi sila puwedeng maghintay kung kailan siya handa bago pa kumilos. Siya mismo ay hindi alam ang plano nito. Malaki at malawak ang koneksiyon nito na umabot sa mga kapulisan. Pero kailangan pilitin ni Sam na lakasan at tibayan ang kanyang kalooban para matigil na ang panggugulo ni Jason. Hindi lang para sa kanya, higit sa lahat, para mabigyan nila ng tahimik, normal at maayos na buhay si Hari. Matapos pumunta sa NBI ay sila na mismo ang sumundo kay Hari sa school. Nang makita niya ang anak na masayang nagkukuwentuhan at nakikipagtawanan sa mga kaklase. Hindi maiwasan ni Sam ang mapaluha dahil sa saya. Ngumiti sa kanya si Hiraya at pinahid ng daliri ang luha sa kanyang pisngi habang nakaakbay ito sa kanya at nakasandal sila sa kotse habang hinihintay ang paglabas ng anak sa school. Ito ang buhay na minsan pinangarap niya para kay Hari. Isang buhay na tahimik at walang inaalala. Iyong hindi kailangan problemahin ang pambayad sa tuition fee o kung anong kakainin nito. Iyong buhay na kinalakihan nilang dalawa ni Hiraya, na walang ibang iisipin kung hindi ang mag-aral. Ang klase ng buhay na akala ni Sam ay hindi na matutupad. Nang makalabas ito ng gate ng school ay agad tumakbo ang anak palapit sa kanila. Kitang-kita sa mukha ni Hari ang saya nang makita sila. “Mommy! Daddy!” masayang bulalas nito sabay yakap sa kanila ng mahigpit. “Bakit po kayo ang sumundo sa akin? Nasaan po si Kuya?” tanong pa nito na ang tinutukoy ay ang driver na naghahatid at sumusundo dito araw-araw. “Maaga namin tinapos ‘yong trabaho kaya naisip namin na sunduin ka,” sagot niya. Kumunot ang noo nito saka nagpapalit-palit ng tingin sa kanilang dalawa. “Umiyak po ba kayo?” Tumawa lang sila at ginulo ni Hiraya ang buhok nito. “Hindi!” “’Dy! Ano po nangyari sa kamay n’yo?” tanong agad nito nang makita ang kamay ni Hiraya na may benda. “Wala ito, napaaway lang ng konti kanina. Pero ayos na ‘yon,” pagsisinungaling nito. “Let’s go! Sabi ni Daddy magdi-dinner tayo sa labas,” pag-iiba na si Sam sa usapan. “Pizza, ‘dy!” excited na sabi nito. “Tapos chicken!” sabay na sabi pa ng mag-ama. Natawa silang tatlo. Nag-high five ang dalawa habang napapailing na natawa na lang si Sam. “Mag-ama nga kayo, pati paboritong pagkain pareho kayo!” “KUMUSTA na kayo ni Sir Aya?” tanong sa kanya ni Rissa. Alas-tres na ng hapon sa mga oras na iyon, huling coffee break nila para sa araw na iyon. Saglit silang bumaba sa malapit na convenience store para doon magkape. “Okay naman kami. Nagkaroon lang ng konting pagtatalo pero sa huli nagkaintindihan din.” “Alam na niya lahat? Sinabi mo na?” tanong naman ni Marcia. Huminga ng malalim si Sam bago tumango. “Nagpa-imbestiga siya. Nagalit ako noong una pero naisip ko rin na siguro nga mas mabuti na iyong ganoon na malaman niya para makalaya na rin ako sa nakaraan ko.” “Siguradong galit na galit si Sir,” komento pa nito. Tumango siya ulit. “Sobra. Iyong sugat sa kamay niya, galing iyon sa pagsuntok niya sa pader. Nagpunta na rin kami sa NBI kahapon para magsampa ng kaso. Anytime soon, ilalabas na sa public ang picture niya. Desidido si Aya na ipakulong siya.” Bumuntong-hininga si Rissa. “Sa wakas, matatapos na rin ‘to. Matatapos na rin ang paghihirap n’yong mag-ina.” “I know. Katapusan na talaga ng Jason na ‘yon. Kung malakas ang impluwensiya ng Jason na ‘yon sa lugar n’yo. Mas malawak ang impluwensiya ng mga Santillan. Napakayaman ng pamilya nila pero low profile lang. Alam ng mga empleyado dito pati sa iba pang negosyo ng mga Santillan. Hindi nila madalas gamitin ang koneksiyon nila dahil naniniwala ang mga ito na dapat pantay-pantay ang lahat ng tao kahit ano pang estado nito sa buhay. But when they use their connection, pinakamatagal na ang isang linggo. Remember, retired general ang daddy nila at maraming koneksiyon hindi lang sa military kung sa kapulisan at sa gobyerno,” kuwento pa ni Marcia. Ngumiti siya. “Alam ko ‘yon noon pa. Don Armando is one of the great soldiers in our country. Pero nakakatawa, dahil noong magkita kami ulit ni Hiraya at nagsimulang magkamabutihan, nakalimutan ko ‘yon parteng iyon. He’s so down to earth that you will forget what kind of power their family holds,” sagot niya. “Eh ikaw? Kumusta ka na? Anong plano mo pagkatapos nito?” tanong ulit ni Rissa. “I have something in mind, pero saka ko na sasabihin kapag sigurado na ako.” “Basta, kung kailangan mo ng witness, nandito ako, handa akong tumulong sa’yo.” Niyakap niya ng mahigpit si Rissa. Ang taong isa sa naging saksi sa paghihirap niya noon. “Salamat. Maraming salamat, Ris. Kung hindi dahil sa’yo hindi kami makakatakas ni Hari.” Gumanti ito ng yakap at hinagod siya sa likod. “Ano ka ba?! Magkaibigan tayo, ‘di ba? Siyempre, magtutulungan tayo!” Nang matapos ang fifteen-minute break nila ay agad silang bumalik sa loob. Pasakay na siya sa elevator nang may maalalang bilhin sa kalapit na convenience store. “Mauna na kayo, may nakalimutan akong bilhin,” sabi ni Sam sa mga kaibigan. “Okay,” sagot ni Marcia. Dali siyang lumabas at tinakbo ang convenience store. Papasok na sana siya sa loob nang biglang may kamay na humarang sa handle ng pinto. Nang lumingon ay nanlaki ang kanyang mata nang makita si Jason. Nanginig ang mga kamay niya at natulala na lang. May kasama itong dalawang lalaki at napapalibutan siya ng tatlo. “Sinasabi ko na nga ba’t matye-tyempuhan din kita dito eh,” nakangising sabi nito. Agad siyang pumihit at akmang tatakbo pero napaligiran na naman siya ng mga ito. Mahigpit siyang napahawak sa kanyang phone. Mabuti na lang at finger censor ang lock niyon kaya madali niyang nabuksan. Kunwari ay tumungo siya pero pasimple niyang pinindot ang pangalan ni Aya. “P-Paano mo nalaman kung nasaan ako?” “Simple, pinasundan kita noong araw na magkita tayo sa mall.” “Tigilan mo na ‘to, Jason. Nakapag-file na ako ng kaso laban sa’yo. Lahat ng ebidensya ay hawak na ng NBI. Ano man oras ay lalabas na sa TV, diyaryo at news online websites ang picture mo. Maglulunsad sila ng manhunt operation laban sa’yo.” Tumawa lang ito at tila hindi naapektuhan sa sinabi niya. “Na naman? Hindi ka pa ba natuto? Ginawa mo na ‘yan noon ah, wala rin nangyari.” “Wala ka sa San Fabian, Jason. Wala ka sa teritoryo mo. Hindi mo alam kung anong kayang gawin ng asawa ko,” sagot niya. Habang nakikipag-usap at abot langit ang kaba ni Sam. Pare-pareho silang hindi nagpapahalata sa mga taong dumadaan. “Asawa mo? Wala kang ibang asawa kung hindi ako, Sam.” “Hindi kita asawa. Kahit kailan ay wala tayong naging relasyon.” “Ang dami mong sinasabi, sumama ka na lang sa akin ng mahinahon kung ayaw mong magkagulo dito.” “Saan mo ‘ko dadalhin?” matapang na tanong niya. “Susunduin natin ang anak mo at ibabalik ko kayo sa Batangas. Akin ka lang, Sam. At walang ibang puwedeng umangkin sa’yo kung hindi ako lang. Ang tagal kong hinintay ang pagkakataon na mapasa akin ka. Nagtiis ako noon na patingin-tingin lang. Kaya hindi ko na pinakawalan ang pagkakataon nang ikaw mismo ang lumapit sa akin. Hindi ako ang nagsimula nito, Sam. Ikaw.” Muling bumalik sa isipan niya ang lahat ng hirap na dinanas sa mga kamay nito. Ang paggagahasa nito sa kanya ng paulit-ulit. Ang pambubugbog nito sa kanilang mag-ina. Ang bawat paso ng sigarilyo nito sa kanyang katawan. Hindi na siya babalik sa impyernong buhay na iyon. “Sumakay ka na,” sabi pa nito. “Aya, nasaan ka na?” paulit-ulit na tanong niya sa isipan. Nang hindi pa rin kumilos ay tinulak siya nito palapit sa kotse na nakaparada sa di kalayuan. Nang buksan ang pinto, ang mga tauhan nito ang unang pumasok sa loob. Isa ang nasa likod ng manibela at isa sa tabi nito. Nang akma na siyang papasok. Biglang tinapakan ni Sam ng buong puwersa ang paa ni Jason, sabay siko sa mukha nito. Napasigaw ito sa sakit at iyon ang sinamantala niya at mabilis na tumakbo palayo. “Tulungan n’yo ‘ko!” malakas na sigaw ni Sam. Pero bago pa siya matulungan ng mga tao. Nahablot na ni Jason ang buhok niya, pagpihit sa kanya ay sabay sampal sa kanya ng malakas. Napaupo siya sa semento. Galit na galit at nanlilisik ang mga mata nito sabay bunot ngbaril sa beywang. Dahil doon ay nagkagulo at nagpulasan ang mga tao paalis. “Walang makikialam!” sigaw nito. Tutulungan dapat ito ng dalawa nitong tauhan pero hindi rin pinalapit ito ni Jason. “Kaya ko ‘to! Ihanda n’yo lang ang kotse! Para madali tayong makaalis!” utos nito sa dalawang tauhan. Agad sumunod ang mga ito at pumasok sa loob ng sasakyan. Nagpumiglas si Sam pero mas lalo nitong hinigpitan ang hawak sa kanyang buhok. “Bitiwan mo ‘ko, Jason!” sigaw niya dito. “Pare, huwag mong sasaktan si Ma’am,” pagkausap pa ng pang guwardiya dito, sabay labas din ng baril nito at tinutok iyon kay Jason. Isang malutong na mura ang sinagot ni Jason, sabay tutok ng baril sa mga ito. “Sinabi nang huwag kayong makikialam eh!” Nang maipon ang lakas ay sinipa ni Sam ito sa tiyan kaya nabitiwan siya nito. Pero agad din nitong nahawakan siya leeg sabay suntok sa kanya sa sikmura. Napaluhod si Sam at namilipit sa sakit, para siyang kandila na unti-unting nauupos sa mga sandaling iyon. Hawak pa rin ang baril, nang hawakan siya nito at sinubukan buhatin. Pero hindi nagtagal ay biglang napasigaw ang mga tao sa paligid, kasunod niyon ay biglang humagis ni Jason palayo sa kanya kaya’y nabitiwan nito ang baril. Doon bigla sumulpot ang mukha ni Hiraya. “Stay here,” sabi pa nito sabay lapit kay Jason na pilit pa rin bumabangon. Kahit nahihilo, nakita niya ang matinding galit sa mga mata nito. Sa buong panahon na kilala niya si Hiraya, iyon ang unang pagkakataon na nakita niya ang ganoon katinding galit sa mga mata nito. Namalayan na lang niya na may tumulong sa kanyang tumayo. “Aya…” umiiyak nang tawag niya dito. Muling sinipa ni Hiraya si Jason at bumalandra ito sa sahig. Pagkatapos ay hinablot nito ang kuwelyo ng suot na t-shirt nito sabay suntok ng malakas sa mukha. Susugod dapat ang mga kasama ni Jason pero natigilan nang marinig mula sa kalayuan ang malakas na sirena ng papalapit na police mobile. “Don’t you dare touch her again,” nanggigigil sa galit na sabi nito kay Jason saka muling sinuntok ito ng malakas sa mukha. Nagawa naman makabawi ni Jason at nasuntok nito si Hiraya sa balikat kaya nabitiwan nito ang lalaki. Nang tutukan ng baril ng mga tauhan ni Jason si Hiraya, doon siya pilit kumawala sa mga may hawak sa kanya at kahit hirap maglakad at nanghihina. Lumapit siya kay Hiraya at yumakap dito. “Huwag kayong lalapit!” banta ng isa sa tauhan nito. “Boss, tara na! May mga pulis! Halika na!” sabi naman ng isa pa at pilit na hinila si Jason palapit. “Hindi pa tayo tapos, Sam! Babalikan kita!” galit na galit na sigaw nito habang pilit na sinasakay sa kotse. Daling umalis ang mga ito na agad hinabol ng mga pulis. Nang tuluyan mawalan ng lakas, natumba si Sam at agad siyang nasalo ni Hiraya. Mahigpit siyang niyakap nito at doon pinakawalan niya ang luha at takot. “Muntik na akong mahuli,” sabi pa nito. “No, you’re just in time,” sagot niya. “Let’s go upstairs.” Tinulungan siyang itayo nito at inalalayan maglakad bago dinala sa pribadong opisina ni Hiraya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD