NAKITA ni Hiraya ang pag-aalala sa mga mata ni Hari nang umuwi ito mula sa school at nadatnan na tulog si Sam at nakita ang pasa sa pisngi bunga ng pagkakasampal ni Jason. Nang agad itong nagtanong, doon niya sinabi ang totoo, na naroon sa Maynila ang lalaki at dalawang beses na nitong tinangkang kunin si Sam. Naging emosyonal si Hari nang malaman ang nangyari sa ina. Kasalukuyan nasa meeting si Hiraya nang matanggap ang tawag ni Sam. Agad siyang napatayo nang marinig sa background ang boses nito na may kausap na lalaki. Kahit hindi pa niya narinig buong buhay ang boses nito, nang mga sandaling iyon ay alam niyang si Jason nga ang kausap ni Sam. Dali siyang bumaba at sumakay ng elevator. Halos gibain niya ang elevator siya sa sobrang inip. Iyon na yata ang pinakamatagal na bawat segundon

