“ATE, kayo na muna bahala kay Hari,” bilin ni Hiraya sa nakakatandang kapatid. “Don’t worry about him. Maglalaro lang naman ‘yang mga batang ‘yan saka itong isip bata ng game console mo,” sagot nito. Natawa silang dalawa dahil ang tinutukoy nito ay ang asawang si Alvin. “Grabe ka naman sa akin,” protesta nito. “Oh, eh, bakit? Mas madalas mong kasama ‘yang game console na ‘yan,” nagtatampo kunwari na sagot ni Amihan. “Bakit kasalanan ko? Ito sisihin mo, sino ba gumawa no’n?” turo sa kanya ni Alvin. “Sorry guys, negosyante lang!” kibit-balikat pa niya. “Hari, ikaw na bahala sa mga pinsan mo, mas nakakatanda ka,” bilin naman ni Sam sa anak. “Opo,” sagot nito. “Aalis na kami, see you tomorrow! Sunduin ka ng daddy mo, ok?” “Okay po.” Bago sila umalis ay humalik muna ito sa p

