TATLONG buwan pa ang lumipas. Ang sumatotal ay pitong buwan mula nang umalis si Sam ng Pilipinas papuntang Amerika. Now, finally, she’s back. Hindi maalis ang ngiti na nagmamasid siya sa paligid. Kahit gaano kaganda mabuhay sa ibang bansa, iba pa rin kapag nasa Pilipinas ka. Hindi naging madali ang therapy ni Sam. Hindi madaling dumaan sa ganoon proseso na malayo sa mga mahal niya sa buhay. But she’s proud of her accomplishments. She was able to finish her therapy sessions with a big improvement. Sa ngayon, hindi na siya sinusumpong ng anxiety. Hindi na rin siya binabangungot at nakakatulog na ng maayos at mahimbing kahit wala ang tulong ng sleeping pills. She finally found the peace of mind that was stolen from her by all the hardships she’s been through for more than fifteen years. “

