WALA sa bahay. Wala rin sa school ni Hari. Mula sa opisina ay sumunod si Hiraya kay Sam matapos niyang kumalma. Habang nagmamaneho pauwi ay puno ng takot at pag-aalala ang kanyang damdamin. Kung puwede lang paliparin niya sa kotse makarating lang kay Sam. Pagdating sa bahay, tumakbo siya papasok at agad hinanap ang asawa. Pero sinabi ng mga kasambahay nila na hindi pa rin umuuwi si Sam. Dobleng takot at pag-aalala ang naramdaman ni Hiraya. Sinubukan niyang tawagan si Sam pero hindi nito sinasagot iyon. Tinawagan niya ang mga kapatid para itanong kung kasama ng mga ito si Sam, pero wala din daw doon ito. Maging ang mga college friends nila ay binubulabog din niya pero wala rin doon ang asawa niya. Lakad. Upo. Higa. Repeat. Hindi mapakali si Hiraya habang naghihintay kay Sam doon sa kuwa

