FIVE YEARS LATER… “Good evening, Ma’am,” nakangiting bati sa kanya ng security guard na nagbabantay ng malaking gate ng bahay nila. Gumanti siya ng ngiti dito. “Good evening. Ang Sir mo dumating na?” tanong pa niya. “Ay opo, kanina pa po mga alas-sais pero nauna si Sir Hari, mga alas-singko po yata nandito na siya.” Tumango-tango si Sam. “Sige. Salamat.” Mula doon ay tumuloy na siya sa malawak na driveway papasok ng mansion. Matapos iparada ng maayos ang kotse ay saka siya bumaba bitbit ang kanyang bag. Pagod at gutom na siya mula sa buong araw na trabaho. It has been five years since he married, Aya. Anim na taon kung isasama ang isang taon mahigit nilang pagsasama bago ikasal. Life has been great. Sa piling nito, naranasan niyang muli ang buhay na tahimik at matiwasay. Gaya ng

